Kabanata 35

695 19 3
                                    

I'M preparing tonight since Sig's parents wants to have a dinner with me and Aillard. I know that it's still awkward to me at siguro ay hindi na 'yon mawawala sa akin.

"Done?" napatingin ako sa taong nakasilip sa pintuan.

Sig's with his blue polo shirt at ang buhok niya ay nakaayos pataas. Ang gwapo-gwapo niya sa kanyang ayos at hindi ko talaga mapigilang mamangha.

"Momma, are you done?" bumaba ang tingin ko mula 'kay Sig at nakita ang aming anak na nakahawak sa kanyang kamay.

And like him, Aillard also wearing a blue shirt and black pants. Parehas din sila ng ayos ng buhok. I can't help but to smile genuinely at the sight of the two of them.

"Hmm, I'm sorry did you wait?" lumapit ako sa kanila at pumantay ako 'kay Aillard.

"No, Momma." I kissed his cheeks and decided to stand up.

"Wala ba ako?" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sig.

"You also want a kiss from Momma?" sinamaan ko ng tingin si Sig na ngayon ay parang inosenteng bata na tumatango sa anak niya.

"Don't mind him, Aillard. Let's go." hinawakan ko ang maliit na kamay ng anak ko at iniwan si Sig doon na malaki ang ngisi.

"Dati naman ako ang hinahalikan mo. Ako ang nauna bago ang anak na 'tin, Haya." inis na nilingon ko siya.

Mabuti na lang at binulong niya lang 'yon dahil kung hindi ah baka narinig na iyon ng anak namin.

"Manahimik ka nga diyan. Mamaya ay marinig ka ng anak mo." inis na sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"What's wrong with that? Ako naman ang Daddy niya, right? And I love his Mommy, so what's wrong?" hindi ko siya pinansin.

Napakadaldal talaga nitong lalaki na 'to. Kaya si Aillard ay madaldal na din dahil halos siya na ang nakakasama nito. Kakaiba talaga ang impluwensiya nitong lalaking 'to.

"Baby," inirapan ko siya dahil bakas ang pang-aasar doon.

Hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya ay nakangisi pa din ito na parang nanalo sa lotto. Tanging pag-iling na lang ang nagawa ko dahil ayaw ko din naman siyang patulan pa. Ako at ako rin naman ang matatalo sa aming dalawa kung nakipagsabayan pa ako sa kanya.

But I'm happy that even I didn't accept him fully in my life again he still didn't leave and just act like everything is fine and I know soon it will be fine.

Pagkarating namin sa restaurant ay sobrang saya naman ni Aillard habang nakahawak sa kamay ko at kamay ni Sig. He looks really happy.

"Tita Anna," mabilis akong bumeso sa kanya at ganoon din ito.

"Mom," bati naman ni Sig sa kanyang ina.

Naiwan kaming dalawa ni Tita Anna kasama si Aillard habang umalis naman saglit ang daddy ni Sig at siya. She smiled at me and hold my son's hand.

"Masaya ako na nakapunta kayo sa simpleng dinner na ito, Hyacinth." aniya habang nakatingin 'kay Aillard na busy sa pagtingin-tingin sa paligid.

"Hindi ko naman po kayo matatanggihan, Tita. Para ko na din po kayong pangalawang ina." I said sincerely.

"Kamusta naman ang anak ko? Si Sig? Hindi ka naman ba niya kinukulit na bumalik sa kanya?" nakagat ko ang aking ibabang labi at kalaunan ay napangiti na lang.

Tumalon mula sa pagkakaupo si Aillard at tumakbo sa direksiyon ng kanya ama. Nakita kong natigilan sa pag-uusap si Tito at Sig dahil doon.

"We already talk about that matter, Tita. Hindi naman po ako nagmamadali at kahit siya ay gano'n din. Napag-usapan naman namin na 'kay Aillard muna ang atensiyon namin dalawa. Hindi pa siya kilala ni Aillard at kahit kayo po. Gusto ko pong unti-untiin ang lahat sa anak namin para hindi siya mabigla sa lahat." mahabang sabi ko dito na ikinangiti niya.

Moon TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon