Foreword

11 1 0
                                    

"Hey kid! Are you hurt?" Sabi ng bata mula sa aking likuran. Bahagya akong nagulat sa biglang pagsulpot nito.

Napangiwi ako ng maramdaman ang hapdi mula sa aking tuhod. Kung hindi ba naman sana kasi haharang harang iyong bato, sana hindi ako nasugatan ng ganito.

Lagot na naman ako kay mommy, tsk.

"I'm asking you." Napatingin ako sa bata, he's too small pero hindi siya cute. I'm taller than him and cutier too.

Bakit ba niya ako kinakausap? Di ko naman siya kilala, hmp! Sabi ni mommy, don't talk to strangers daw.

Sinubukan kong tumayo kahit mahapdi iyong tuhod ko. Agad naman akong inalalayan no'ng batang lalaki. Binalewala ko lang ito, ang importante ay makalayo ako dito.

"Your both knees are bleeding, where are you parents?," he look at me the moment I tried to look at him, our eyes met. And I don't like how I feel about it. "Hey, do you want me to help  you in finding your parents?" he asked again.

I shook my head trying to remove all the unnecessary thoughts about this boy in front of me. I'm too young for love at first sight. He's not even handsome! He's fat and small! Ivan is more handsome than him! Yeah, that's right.

"Aster! Aster! Where are you?!" I heard Ate Mara's voice from the left—she's my babysitter. I run towards her direction, mabuti na lang at medyo gumaan na iyong hapdi ng sugat ko.

The boy is calling me but I didn't bother to look back.

"Ate Mara, I'm here po!" agaw ko sa atensyon nito ng makitang palinga-linga sa ibang parte ng hardin kung nasaan kami ngayon.

Sinalubong naman niya ako ng makita akong tumatakbo, dala ng isang clean towel ay dumeretso agad siya sa akin.

"Saan ka ba nagpunta huh? Hinahanap ka na ng mommy mo." Mahinahon na sabi nito ngunit batid ko ang kaba niya. Siguro ay pinagalitan na naman siya ni mommy.

It's my fault again. Kung hindi ko na lang sana kasi sinundan ang magandang paru-paro na 'yon ay hindi na sana ako napalayo at nasugatan.

"I'm sorry ate," malambing na sabi ko tsaka ko siya niyakap. Nag-iisa lang akong anak nila mommy. Ate Mara is like a sister to me, mas madalas ko pa siyang kasama kaysa kay mommy.

Bumuntong hininga siya bago inalis ang pagkakayakap ko, doon ay napansin niya ang natuyong dugo sa tuhod ko. Mabilis ko itong tinakpan, nag-aalala na baka magalit siya sa akin pero huli na pala ang lahat dahil nakita na niya.

"What happened to your knees?" She asked.

"While I was chasing the butterfly po, I didn't notice the small rock in front of me, I fell on the ground and that happened," sabi ko sabay turo sa may gasgas na tuhod.

"Hindi mo na lang sana kasi sinundan pa 'yon, marami naman gano'n sa bahay niyo." tama ang sinabi niya. We have a flower garden in front of our house, dinadayo ito ng iba't ibang uri ng paru-paro. Iyon ang pinagkakaabalahan ni mommy dahil isa sa negosyo ng pamilya namin bukod sa Rice production ay flower plantation din.

"Sorry po," tanging naisagot ko.

"Sa susunod ay huwag mo ng uulitin ha? Nag-aalala lang kami sa'yo." ani niya.

"Okay po ate." I said.

"Siya, ihahatid na kita sa loob bago kunin ang first aid kit sa kotse," iginiya niya ako papunta sa loob ng simbahan.

Kung kanina ay kaunti pa lang ang tao, ngayon ay halos hindi ka na makahinga. Halo halong amoy ng pabango ang nalanghap ko papasok, nakalinya na rin ang mga abay na nakasuot ng long gown na kulay dilaw na mustasa, ayon na rin color motiff ng kasal.

AsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon