☪
That night ended with our warm smile for each other. Somehow, I felt comfortable around him for the rest of the time. Coffee plus the cold weather felt nice.
"Sa wakas! Tapos na ang exam!" Violet raise her both arms, stretching it like it will suddenly erase all the stress we've felt for the last three days.
I sighed, finally. Sobrang napagod ako sa pagrereview, I want good grades. My parents are not strict when it comes to my grades, but still I want to do my best to get good marks...
"Wanna go to beach tomorrow?" pag-aaya ni Draude na ngayon ay nag-aayos ng kaniyang bag pack.
They own a beach resort near the coast of Isla Amore, I heard they own hotels outside the Island too. Me and Violet already went there a lot of times, dahil na rin sa pangunguna ni Draude. He loves beach, mountains— everything that involves adventure. He's like a Dora-type of person.
Napanguso ako, "We have a tour tomorrow, remember?" I said. Bigla ay nawala ang excitement na kanina'y kita sa kanilang mukha.
Violet, she's not an adventurer. Mas gusto niya ang mag-stay sa bahay nila kaysa magpakainit sa labas. Parang may phobia tuloy siya sa sikat ng araw. With Draude's influence, she came to love adventure too. Although She's still the soft girl we knew while I was just neutral. I can be angry and sad depends on the situation. Hindi katulad niya na kahit yata murahin mo ay susuklian ka pa rin ng ngiti.
"Wrong timing si Sir, I feel like I want to go hiking tomorrow!" Sabi ni Violet. Her eyes today are radiant. Nararamdaman ko ang kagustuhan niyang maghiking.
"Mag-plano na lang muna tayo, baka sakaling walang klase sa Monday lalo na at siguradong may remedials ang ibang estudyante." Sabi ni Draude. I guess they really want to unwind. Wala namang masama roon, I want to be with them din naman. Though we were not sure if we will pass the exam. Baka mamaya ay kasali pala kami sa magreremedials.
"Okay!" Violet agreed as she started to fix her things too. Kalaunan ay inayos ko rin yung sa akin.
Maraming kalat ng eraser sa ilalim ng upuan ko dahil sa pina-drawing nila sa amin kanina sa last subject namin, ganon na rin ang mga scratch papers na nagkalat sa desk ko.
Feel ko ay mas na-i-stress ko sa t'wing nakikita ko ang mga iyon. Isa isa ay tinipon ko ang mga ito tsaka nagtungo sa basurahan. Ang trash bin ay nasa labas ng classroom namin kaya kinailangan ko pang lumabas.
Nang makalabas ay namataan ko ang pamilyar na pigura ng isang lalaki—Hace. Nakaupo siya sa isang hakbang na hagdanan sa harap ng room namin. He's doing something in his phone. Nakita ko ang mabilis na paggalaw ng magkabilang balikat niya na tila ba may nakakatawa sa kung anong ginagawa niya sa kaniyang cellphone.
Lumapit ako sa kinaroroonan niya ng maibasura ko ang mga papel na hawak. Bahagya akong sumilip sa cellphone niya, buti na lang at hindi niya pa napapansin ang presensya ko.
I saw him scrolling down in one of my classmates account. I gasp when I realized what he is watching again! Wala pang segundo ay mabilis ko ng inagaw sa kaniya ang cellphone na hawak.
"What the he—" kita ko ang gulat sa mata niya ng makita ako, as if he's not expecting to see me! "Aster! Tapos ka na?" mas lalong lumakas ang tawa niya ng makita ang busangot kong mukha, "Sorry," he said as he tried to calm his self, but I still can sense an annoying laugh behind his sealed lips.
The video was our roleplay in our Filipino subject! Our teacher asked us to play a humanity related scene! At ako 'yong pinag-tripan nilang gawing pulubi!
BINABASA MO ANG
Aster
Romance"When God made you, He must be thinking about me." To be in love needs a limitation. If you are hurting, then leave. If you have been cheated, then leave. We must know our worth to be able to love ourself genuinely. Do not settle for less, because w...