Chapter 10

3K 113 100
                                        


Nakauwi na siya. Hindi ko mapigilang mapangiti. Sa wakas, nakauwi na siya.


Cassidy Prim has finally returned to the Philippines along with her rumored boyfriend, Onyx Krieger.


Agad din akong napasimangot nang mabasa ko ang isang article at kasunod nun ang mga pictures niya habang niyayakap siya ng isang lalaki palabas ng airport. It was reported a few days ago, but I just recently read it. I was too busy.


Hanggang ngayon ay paniwalang-paniwala ang mga tao na may relasyon sila. Bakit nga ba iniisip ng mga tao 'yon? Hindi naman sila bagay e.


Kilala ko si Cai. Hindi 'yon mahilig sa mga artista. She prefers non-showbiz men... like me.


"Anak ng! Hindi ka ba nakikinig?!" I came back to my senses when Warren shrieked in front of me. "Kanina pa ako nagsasalita rito, lumilipad pala 'yang utak mo kung saan-saan!"


"Ha? Bakit, ano bang sinabi mo?" I massaged the temples of my head with my hand. "Saka pwede bang hinaan mo 'yang bunganga mo? Masakit ang ulo ko."


"Ayan! Kaka-selpon mo 'yan!"


"Huwag mo nga akong sigawan," mahinahon kong sabi. "Baka nakakalimutan mong nandito ka sa isla ko?"


"Gago! Dating akin 'to." Pareho kaming natawa dahil sa sinabi niya.


It's been a year since I bought this island from my cousin, Warren. Nagpatayo rin ako ng sariling bahay sa likod ng condotel.


Hindi ko kayang tumira ulit sa penthouse. Naaalala ko ang bawat eksena ng araw na 'yon... Ang araw kung kailan nakita ko siyang tumakbo palayo sa 'kin. Hindi ko kayang maalala 'yon araw-araw.


I bought the island so I could have a place I could call my own. Besides, this island is where I met the woman I love the most, so I didn't even think twice about buying it.


Wala na rin naman akong mauuwian sa Maynila. I surrendered everything to my parents when I called off my engagement with Aleighn. Kung kapalit ng pagtira ko sa Maynila ang pagiging sunod-sunuran sa kanila, mas mabuti ngang magkanya-kanya nalang kami. Nasa tamang edad na rin naman ako. Kaya ko nang buhayin ang sarili ko.


"Ano nga ulit ang sinabi mo kanina?"


"Yung babae mo na naman 'yang nasa isip mo 'no? Kaya pala hindi ka nakikinig sa 'kin," nakangising sabi ni Warren. "Huwag mo nang isipin 'yon. Hindi ka na babalikan nun."


Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ngang sinabi mo kanina?"


"Ang sabi ko, pumayag ka na, bro. Maawa ka naman sa 'kin! Malalagot ako kay Zelyn," pagmamakaawa sa 'kin ni Warren.


Ah, 'yon. He's begging me again to photograph the shoot for his girlfriend's swimsuit line. Naaksidente raw kasi 'yong photographer na kinuha nila.

Bound to Fall ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon