10:57 AM
Ninni:
Gusto ko lang sabihin sa'yo na kapag nag-asawa ka
Tapos hindi naman pala ako
Hihintayin kung magka-anak kayo ng lalaki
Pagkatapos 'yon nalang aasawahin ko. Age doesn't matter naman na sa panahon ngayon
Pero pwera nalang kapag payag kang maging kabit ako. Iwan mo para sa akin 'yong asawa mo tapos iiwan ko rin para sa'yo ang anak mo.
Alexander Neven:
Wala ka bang ibang problema sa buhay mo?
Bakit palagi mo nalang akong ginugulo?
Ninni:
Marami rin naman pero naglalaan talaga ako ng time para sa ating dalawa
Ayaw mo pa 'yon?
Alexander Neven:
Mas lalo mo lang akong ginugulo
At dumadagdag ka lang sa sakit ng ulo ko
Pero may gusto akong itanong sa'yo
Ninno:
Ano 'yon???
Alexander Neven:
Nasubukan mo na bang magmahal ng totoo?
Ma in love sa iisang tao ng sobra?
Ninni:
Tingin mo ba?
Alexander Neven:
Hindi ako manghuhula kaya sagutin mo nalang
Ninni:
Attitude 'yan? Pero oo na in love na ako. Gusto ko ngang bawiin sa bwisit na 'yon puso ko!
Isang beses palang pero sa taong alam kong namang hindi pa ako gusto kasi tanga siya.
Ayaw sa akin ng lalaking 'yon
At alam ko rin sa sarili kong hindi mo ako gusto pero hindi ko matatanggap 'yon.
Seen