3:30 PM
Alexander Neven:
Hindi ka naman pumunta
Ninni:
Bakit napaasa ba kita? Sor na sadya Hahaha
Alexander Neven:
Kung may ginagawa naman, naiintindihin kita
Ninni:
Masyado ka namang 'atang maintinhin Neven
Maawa na ba ako n'yan sa'yo? HAHAHAHAHA
Ang importante nakauwi ka sa bahay n'yo ng ligtas at walang bawas
Pero bakit kaya ganoon pa rin mukha mo? Walang pinagbago kahit lasing ka saka wala sa sarili
Ang panget mo pa rin
Alexander Neven:
Nakauwi sa bahay?
Paano mo nalamang sa bahay ako nakauwi at hindi sa condo ko?
Pinuntahan mo ako kagabi nuh!?
Ninni:
Neven, lasing ka pa
Guni-guni mo lang lahat ng ito at gawa-gawa ng mga Illuminati
Nasa magandang panaginip ka lang ngayon kung saan inaakala mong mababalik mo pa ang feelings ko sa'yo
Tulog ka nalang ulit
Alexander Neven:
Sabi ko na eh! Hindi mo talaga ako matitiis
Gusto mo pa rin ako
Ninni:
Luh?
Pelengero 'to!
Alexander Neven:
Umamin ka nalang
Pinuntahan mo nga ako kahapon
Ninni:
Walang ibang meaning pagpunta ko sa'yo roon kahapon
Tinignan ko lang kung buhay ka
Alexander Neven:
Talaga lang ba? Siguro sobrang nag-alala ka sa'kin
At kaya pala gusto mo pang saktan 'yong mga babaing lumalapit sa'kin gaya ng sinabi mo sa chat kahapon -)
Seen