12:32 AM
Ninni:
Neven mag-usap tayo
Nakita kong open ka ngayon, kaya mamatay ka na kung bigla ka nalang mag lo-log out
Alexander Neven:
Bakit?
Mahalaga ba sasabihin mo?
Ninni:
Wala akong sasabihin pero pag-uusapan natin feelings mo
Feeling mo para sa akin
Alexander Neven:
Sige, pero makikinig muna ako sa'yo
Ninni:
May mga itatanong ako sa'yo
Alexander Neven:
Sige lang, pero ano ba 'yon?
Ninni:
Mahal mo pa ba si Sophia???
Alexander Neven:
Bakit mo naman naitanong?
Ninni:
Sempre gusto kong malaman kaya sagutin mo nalang!
Alexander Neven:
Pero gusto ko ring malaman kung bakit mo tinatanong
Tingin mo ba mahal ko siya?
Ninni:
Oo. Parang ganoon pa rin nakikita ko sa'yo
Ninni is typing...
Ninni is typing...
Ninni is typing...
Kaya kung mahal mo talaga siya kahit ilang beses ka niyang niluko, wala na akong magagawa sa feelings mo. Medyo naiintidihan na kita kasi ganito pala magmahal
Ninni is typing...
Ninni is typing...
Ninni is typing...
Ako na rin mismo nakalimut kung paano paganahin ang utak ko. Madalas hindi na ako nakakapag-isip, nakakalimutan ko na ring gamitin utak ko
Ninni is typing...
Ninni is typing...
Ninni is typing...
Wala 'to sa isip ko ng una, pero dapat ko nalang din siguro tanggapin lalo pa't hindi ka naman talaga sa akin
At mukhang hindi na rin mangyayaring 'yon :'(
Nakakasawa ng umasa. Ilang years na rin
Alexander Neven:
Years?
Ninni:
Ninni is typing...
Ninni is typing...
Ninni is typing...
Hindi ko pa tanggap 'yon pero darating naman din siguro ako roon. Pwedeng pagkalipas ng ilang linggo, pwedeng umabot ng buwan o mga taon kasi ikaw ang first love ko