8:30 PM
Ninni:
Sabi ko na makikita na naman kita rito
Itong playground ba ang secret place, tagpuan n'yong dalawa ng exgirlfriend mong tipaklong?
Alexander Neven:
Nasaan ka ba?
Bakit parang hindi naman 'ata kita nakikita rito.
Ninni:
Ninni is typing...
Wag mo nang hilingin dahil baka iuntog pa kita d'yan sa bakal kapag nagkataon.
Ninni is typing...
Naiinis ako sa'yo!
Sobrang nakakairita ka!
Ninni is typing...
Bakit kailangan mo pa bang iyakan ang impokretang mangkukulam na 'yon!? Parehas lang naman silang walang kwenta ng Kiel na 'yon!
Palitan mo na siya! Ako nalang ipalit mo.
Alexander Neven:
Wow lang!?
Ikaw pa talaga may ganang mainis at mairita sa akin huh?
Medyo nakakahiya naman sa'yo
Ninni:
Iwan ko sa'yo!
Ninni is typing...
Ninni is typing...
Ninni is typing...
Ilang araw na kaya 'yan namamaga 'yang mata mo! Pumanget ka na at ubos na rin handkerchief ko kapapaabot d'yan sa'yo!
Pinapagalitan na ako ni mama! Kinakain ko ba raw lahat 'yon
Alexander Neven:
Hahahahaha sino ba kasing may sabi sa'yo na ibigay mo lahat ng handkerchief mo sa akin?
Tapos may pinaabot ka na namang panibago
Ninni:
Alam ko kasing kailangan mo, saka isa pa sinong nagsabi sa'yong bigay ang mga 'yan?
Isusuli mo sa akin 'yan 'no!
Alexander Neven:
Kailan mo ba gustong isauli ko sa'yo ang mga 'to?
Ninni:
Wala pa, basta itabi mo lang muna
Seen
10:12 PM
Ninni:
Gabi na.
Anong oras mong balak umuwi?
Alexander Neven:
Hindi ko alam.
Ikaw? Bakit nandyan ka pa rin?
Ninni:
Maliban sa gusto kong tinitignan 'yang mukha mo, gusto rin kitang samahan ngayon saka bantayan na rin dito
Alexander Neven:
Kaya ko ang sarili ko. Hindi mo kailangang gawin 'yan.
Ninni:
Eh, bakit ba!? Gusto ko eh!
Saka alam ko rin namang hindi ka rin magtatagal dito kasi nandito ako. Kahit hindi mo ako ngayon nakikita, alam kong ramdam mo ako.
Alam ko ring ayaw mo akong makasama.
Seen