47

36 5 1
                                    

7:51 PM

Alexander Neven:

Nakikita mo ulit ako ngayon dito tama ba?

Pwede ba kahit isang beses lapitan mo rin naman ako?

Ikaw naman mismo mag abot ng handkerchief mo sa akin

Ninni:

At para ano?

Gusto mo rin bang magpasapak sa akin?

Alexander Neven:

Okay lang, mukhang kailangan ko rin naman 'yon

Ninni:

Tsk! Kunwari ka pa

Gusto mo lang talaga makita ka cute-an ko. Hindi pwede! Ayuko!

Saka kulang sayo sapak ko 'no, dapat sayo inuugtog ng malala sa pader para matauhan ka na

Alexander Neven:

I give you a permission. Hampasin mo ako ng tubo ngayon

Ninni:

Hahahahaha

Bakit hindi ka nalang magpakamatay mag-isa mo? Gusto mo pa akong idamay

Marami pa akong pangarap sa buhay kaya maghanap ka nalang ng pwedeng sumagasa sa'yo d'yan

Alexander Neven:

Pwede pa ba tayong mag-usap?

Kailangan ko kasi ng isa ngayon. Okay lang sa akin na barahin mo pa ako

Sabihin mo lang lahat ng gusto mong sabihin sa akin, tatagapin ko dahil totoo naman lahat

Okay lang din sa akin na magalit ka nang magalit hanggang sa gusto mo. Kasalanan ko kaya maiintindihin ko.

Ninni:

Gusto mong damayan kita? Eh, unggok ka pala eh!

Sira na ba talaga ulo mo?

Hindi ka na marunong mag-isip Neven!

Alexander Neven:

Sorry.

Ninni:

Umuwi ka na.

Uuwi na rin ako dahil baka hinahanap na rin ako sa bahay namin. Bala ka na d'yan sa buhay mo

Lamukin ka sana d'yan!

Seen

Chatmate From Nowhere (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon