2. INT. ADDIES ROOM - NIGHT.
Makikitang nakahiga na si Addie sa kaniyang kama. Malalim na ang gabi ngunit for some reason hindi siya makatulog. He's thinking about something. Mistulang nilalamon na siya ng mga alon ng kaniyang sariling pag-iisip.
Paminsan-minsan ay makikita siyang bumubuntong hininga. He shifted in a sideways position where his eyesight landed in the photo frame lying in his side table.
It's a photo of Joseph and him together sa beach. Pareho silang naka-smile sa camera habang naka-akbay si Joseph sa kaniya. Parang kailan lang e ang saya pa nila.
Pinangako pa naman niya sa sarili na okay lang ang lahat basta magkasama pa sila. Na okay lang maging kaibigan basta 'di mawasak kung anong mayroon sila. Na kaya niya pa ring ngumiti basta nakikita ang ngiti nito... kahit hindi siya ang mga dahilan nito.
Napa-isip tuloy siya kung kaya niyang magising isang araw na hindi na niya siya makakasama. At mukhang malapit na ang araw na iyon.
He sadly smiled. He still smiled as a way to combat all the sorrow he was feeling. He tried to smile the pain away just like what he always do. It has been always effective. But not until today. He lost. A tear suddenly escaped from his eyes.
He finally closed his eyes. Sana sa kaniyang panaginip ay maging maayos na ang lahat. Umaasa na sana ay may humila na sa kaniya mula sa pagkakalunod sa sariling dagat. O kahit pakalmahin man lang ang galit nito upang malaya pa rin siyang makalangoy.
BLACKOUT.
Some lines from "Ginawan Ko Siya Ng Balsa" spoken poetry came through:
Kung tatanungin ako kung paano siya nawala.
Sasabihin kong -
isipin mo ang unti-unting pagkupas ng isang kanta.
Nagsimula ito isang gabi.
BINABASA MO ANG
RAINBOW SCRIPTS [BXB]
General FictionThis is a compilation of BL short stories that are written in a screenwriting style fused with traditional novel narration. This is an advocacy work. It is now the time to normalize stories of gay and other members of LGBTQIA+ community. The author...