Prologue

459 3 0
                                    

 TULONG!! Sigaw ng isang babae. TULUNGAN NIYO KO!!

May isang babaeng tumatakbo sa loob ng bahay, takot na takot. Umiiyak ito at sugatan na ang kanyang katawan.

MGA KAPIT-BAHAY!! TULUNGAN NYO AKO!! Sigaw nya, pero parang walang nakakarinig sakanya.

Sinubukan nyang lumabas ng bahay ngunit saradong sarado ito. Tumakbo sya papunta sa kusina, nagbabakasakaling bukas yung pinto sa likod ng bahay. Pero ng makarating sya doon, sarado rin ang pintuan doon. Wala na syang ibang maisip, kaya napagpasyahan nyang magtago nalang sa loob ng isang cabinet.

Maya-maya pa ay may lalaking pumasok sa kusina. Narinig ito nong babae at nagtakip siya ng bibig. Nilibot nung lalaki yung kusina, parang may hinahanap ito. May hawak na makinang na bagay yung lalaki. Kaya sa tuwing na tatamaan ito ng liwanag ng buwan, makikita mo kung ano ang hawak nya. Isang matalim na panaksak.

Paalis na sana sa kusina yung lalaki ng may marinig syang ingay galing sa hilera ng mga cabinet. Sinubukan palang silipin nung babae kung nasaan na yung lalaki. Lumikha ito ng ingay na nakakuha sa antesyon nung lalaki. Tinakpan muli nung babae ang kangyang bibig habang papalapit yung lalaki sa hilera ng mga cabinet.

Paisa-isa nya itong kinatok at binuksan, para mas kabahan yung babae. Habang nararamdaman nung babae na papalapit na sakanya yung lalaki. Mas lalo pa nyang pinakpan ang bibig nya para hindi marinig ang kanyang pag iyak. Maya-maya pa ay napansin ng babae na wala ng ingay sa labas, pero hindi parin sya kumikilos.

Nagulat nalang sya ng biglang bumukas yung pintuan ng cabinet, natuton na sya nung lalaki.

Parang awa mo na, wag mo na akong saktan… Umiiyak na nag mamakaawa yung babae. Wag mo kong patayin…

Hindi kumibo yung lalaki, parang wala syang naririnig. Tinaas nito ang hawak nyang patalim.

Wag! Maawa ka! WAAAAAAAAAAAAG!

Sigaw ng babae...

bago siya ginilitan sa leeg. 

SELOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon