CH. 4 - Sabado de Gloria pt.1

128 0 0
                                    

Akala ni Andrew na nananaginip lang siya na tinatawag sya ni Janine, pero ng pag dilat ng mata nya, nag aalalang mukha ni Janine ang bumungad sakanya.

Drew! Sabi ni Janine.

Oh ano bakit? Tanong ni Andrew.

Si Eric saka si Manang Ising nawawala na din.

Ano?!? Napahiyaw si Andrew sa narinig.

Bingi ka ba? Nawawala na din si Eric at si Manang. Naiiritang sinabi ni Kyle. Ganito ba sa bahay na to? Nawawala lahat ng tao?

Naku, what if, totoo yung kwento ni Manang Ising about sa ghost. Natatakot na sinabi ni Faye.

Tanda tanda na eh, naniniwala ka pa sa multo. Sabi ni Mark sa kapatid.

Ewan ko sayo!

Teka teka teka! Anong oras na ba? Tanong ni Andrew.

3:45 ng hapon. Sagot ni Janine.

Mag aalas kuwatro na ng hapon? Anong yari?

Biglang sumagot si Kyle. Yan din ang pinag tataka namin.

Anong gagawin natin ngayon? Tanong ni Faye, bakas sa boses nya na natatakot na sya.

Napaisip si Andrew. Mainam pa hanapin na natin sila.

***********************************************

Nag hahanap-hanap sina Mark at Faye sa baba ng bahay.

Saan ba kasi sila nandoon? Naiiritang tanong ni Mark.

Mark, I’m getting scared of this place na. Bakit ba kasi sumama pa tayo sa bakasyon na to ee. Sabi ni Faye sa kapatid.

Wag ka nga matakot dyan, Ate!

Napansin ni Mark yung bodega. Tingan natin doon.

Ayoko.

Tara na, Ate!

Mauna ka!

Sinubukang buksan ni Mark yung bodega, pero naka sara ito.

Naka sara. Sabi ni Mark.

Huwag mo ng bukasan.

Ako bahal dito, Ate.

Anong gagawin mo? Tanong ni Faye.

Hindi na sya pinansin ni Mark at tinadyakan nito ang pinto ng bodega. Bumukas ito sa lakas ng pagkaka tadyak ni Mark.

Bukas na, Ate.

Sira ulo ka talaga! Mauna ka ngayon!

Na unang pumasok si Mark sa loob at sinundan sya ni Faye. Habang tinitingan nila ang loob ng bodega may na amoy silang mabaho.

Ang baho naman dito! Reklamo ni Faye.

Maya-maya pa ay may nakita si Mark na parang tambak na tinatakpan ng itim na telang makapal, doon ng gagaling ang mabahong amoy.

Ate ano yun? Tanong ni Mark.

I dont know…

Nilapitan nila ito at tinanggal ni Mark yung tela.

SELOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon