CH. 5 - Sabado de Gloria pt.2

135 0 0
                                    

May narinig si faye na tumutuktok sa likod nya. Tumalikod si Faye ngunit wala syang nakita. Lumakad si Faye sa gitna ng kwarto. Bigla syang may narinig na nag aaway.

Hayop ka! May lalaking sumigaw.

Maawa ka sakin! May babaeng nagmakaawa..

Dapat sa mga babaeng kagaya mo pinapatay!

Hindi na kinaya ni Faye ang naririnig nya at sumigaw na sya.

AAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!

Narinig ito ni Janine sa labas.

Faye!! Ano ngyayari sayo dyan??

Umiiyak na si Faye. Narinig nyang nagsalita nanaman yung lalaki.

Eto ang dapat sayo!

Napasubasob si Faye sa sahig at naramdaman nya parang may samapak sa mukha nya.

Eto pa!

Biglang sumakit yung likod ni Faye na parang may tumadyak dito. Sinubukan nyang gumapang papunta sa pinto.

Saan ka pupunta? Tara dito!

Biglang may humila sa buhok ni Faye at kinaladkad sya papunta sa kama.

AAH!! ARAY!! Sigaw ni Faye.

FAYE!!! Sigaw nila Janine sa labas.

Nararamdaman ni Faye na tinatadyakan, sinasapak, sinasabunutan sya ng hindi nyang nakikitang nilalang. Hindi na kaya ni Faye ang sakit na nararamdaman nya. Biglang lumitaw ang lalaking may patalim at dahan-dahan itong lumalapit kay Faye.

Parang awa mo na!! Makaawa ni Faye. Ayoko pang mamatay!!

Faye!! Sino nandyan??? Sigaw ni Andrew.

Inangat na nung lalaki ang kanyang patalim habang palapit sya kay Faye.

Lumayo ka sakin!! Wag!! Wag!!

WAAAAAAAG!!!

Nabuksan na nila yung pinto, ngunit huli na ang lahat. Patay na si Faye. Umaagos ang dugo ni Faye galing sa wak-wak nyang lalamunan.

FAYE!!!!!! Sigaw ni Janine. Tumakbo ito papunta sa kaibigan at niyakap nya ito.

Shit! Kailangan na nating umalis dito!! Sabi ni Kyle. At tumakbo na sila ni Josh palabas ng kwarto.

Tara na Janine! Sigaw ni Andrew.

Pero si Faye! Sagot ni Janine habang yakap yakap ang kaibigan nya, umiiyak.

Wala na tayong magagawa! Tara na! Sabay hablot ni Andrew sa braso ni Janine at hinaltak nya ito palabas ng kwarto.

Pagdating nila sa sala. Nakita nila sila Kyle at Josh na pilit buksan yung mga pinto.

Nalock tayo! Sigaw ni Kyle. Ayaw bumukas!!

Sinubukan parin nilang buksan yung mga pinto pero ayaw talaga nito bumukas.

Sa Azotea!! Sabi ni Andrew.

Tara na!!! Aya ni Janine ka Kyle.

Kayo na! haharapin ko to!!Sagot ni Kyle.

Adik ka ba?!? Sabi ni Andrew.

Ano ba yang pinagsasasabi mo?!? Tanong ni Janine. Tara na kasi Kyle!!

SELOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon