CH. 3 - Biyernes Santo

129 0 0
                                    

Nagising si Andrew na sya nalang ang tao sa kwarto. Kaya naisip na nyang bumangon at maghilamos muna. Pagkahilamos nya ay dumirecho na sya sa azotea kung saan sila nag aalmusal. Tumayo sya sa may pinto at tingingan ang mga kasama nya.

Magkasundo na ulit si Faye at Janine. Ang katabi ngayon ni Janine ay si Josh. Kumakain na din sina Mark at Eric. Napansin ni Andrew na nawawala sina Klye at Lloyd.

Umupo si Andrew sa upuan niya at nag tanong. Asan si Kyle?

Di raw sya kakain, busog pa daw sya. Sagot ni Eric

Eh si Lloyd?

Ewan ko pag gising ko wala na sya eh. Sagot naman ni Mark.

Biglang lumabas si Manang Ising sa azotea para maglagay ng juice.

Manang nakita nyo po ba si Lloyd? Tanong ni Andrew.

Hinid po, sir. Pati nga po yung anak ko nawawala. Sagot ni Manang Ising. Bakas sa mukha niya ang pag aalala sa anak. Sabi nya po sakin kagabi na may kakausapin lang daw sya sandali.

Biglang na samid si Faye sa narinig nya. Naalala nya na nag usap sila ni Danilo kagabi sa balconahe. Napansin ito ni Janine at nagka titigan silang dalawa, binigyan nya ng nakakapang dudang tingin si Faye. Inalis agad ni Faye ang tingin nya kay Janine at kumain ulit.

Baka magkasama yung dalawa. Sagot ni Mark.

Saan naman sila pupunta? Saka bakit? Close sila? Close sila? Heller? Sabat ni Faye.

Saan naman kaya pumunta yong si Lloyd? Tanong ni Janine

Baka nandyan lang yun sa tabi tabi, lilitaw din yun oras na ng kain eh. Sabi ni Andrew.

TAMA!! Sabay na sinabi nila Mark at Eric.

Nag tawanan silang lahat at tinuloy na nila ang pag kain.

***********************************************

Nakaupo si Andrew sa bangera habang pinaglalaruan ang kanyang balisong. Pumasok si Josh sa kusina at nakita niya si Andrew sa bangera, naisipan ni Josh na tumabi kay Andrew.

Kuya Drew.

Oh ano yun, Joshua?

Kuya Drew naman, Josh nalang.

Bakit ba? Gusto ko Joshua e.

Napakamot nalang ng ulo si Josh. Nakita nya yung balisong na pinaglalaruan ni Andrew.

Ganda naman nyan Kuya Drew. Sabi ni Josh.

Eto? Regalo sakin to ni Papa nung Eighteenth birthday ko. Sa lolo ko pa daw to, pamana sakanya. Sabi pa ni Papa, ipamana ko daw to sa magiging anak ko.

Biglang nalungkot si Josh at napansin ito ni Andrew.

Oh, bakit bigla kang nalungkot?

Naalala ko kasi si Daddy. Di ba patay na sya? Buti ka pa may daddy pa, kami ni Ate wala na.

Naawa si Andrew kay Josh.

Sayo nalang to. Sabay abot ni Andrew ng balisong kay Josh.

Huh? Di ba pamana sayo yan? Saka sa anak mo yan dapat ipamana. Sagot ni Josh.

Okay lang, kunin mo na. Ibinigay na ni Andrew yung balisong kay Josh.

Salamat, Kuya Drew. Ang ganda talaga nito.

Basta aalagaan mo yan ha saka huwag mong iwawala. Huwag mo din papakita sa ate mo at sa parents mo. Lagot ako sa kanila.

Promise, Kuya Andrew. Iingatan ko to at di ko ipapakita to sa kanila.

Good.

Maya-maya pa ay pumasok si Janine sa kusina.

Drew.

Nataranta si Josh ng marinig nya ang ate nya, pero hindi sya napasin nito.

Bakit Ja? Tanong ni Andrew.

Padilim na wala parin si Lloyd at si Danilo. Sagot ni Janine. Nag aalala na kami.

Kanina pa namin sila sinusubukang tawagan kaso cannot be reach naman.

Pag mamaya wala parin sila. Humingi na tayo ng tulong.

***********************************************

Gumabi na pero wala parin silang balita kay Lloyd. Sinubukan naman nilang tumawag ng saklolo, bigla naman nawalang ng signal yung mga phones nila. Napag desisyonan ng lahat na sa sala matulog para kung dumating man daw sila Lloyd maririnig nila ito.

Kalaliman na ng gabi at nagising si Eric dahil sa narinig nyang ingay. Bumangon sya at tumingin sa paligid. May nakita syang lalaki na nakatayo sa pinto, papunta sa kainan. Inaninag ito mabuti ni Eric, at namukhaan nya kung sino yung lalaki.

Lloyd? Ikaw ba yan?

Hindi kumibo si Lloyd, nakatingin lang ito kay Eric.

Sira ulo ka! Pinag alala mo kaming lahat!

Hindi parin kumibo si Lloyd at naglakad na ito papunta sa kainan at padirecho sa kusina. Sinubukan gisingin ni Eric sila Andrew pero kahit anong gawin nya ay hindi nya sila magising. Kaya napag pasyahan nya na sundan si Lloyd sa kusina. Nakarating sa kusina si Eric. Madilim at walang ilaw sa kusina.

Llyod? Nandito ka ba? Tanong ni Eric.

Sinubukang hanapin ni Eric yung switch ng ilaw. Pero ng makapa nya ito, hindi sumisindi yung ilaw. Kaya cellphone nalang ang ginamit nyang ilaw. Umikot ikot sya sa kusina at hindi nya makita si Lloyd. Dahil nasa kusina narin naman sya, naisip ni Eric na uminom ng tubig. Habang umiinom sya ng tubig ay biglang bumukas ng padahan-dahan yung ref.

Paglingon ni Eric ay nakita niyang nakapaloob sa ref ang…

Duguang bangkay ni Manang Ising.

Nawalan ng boses si Eric sa takot. Gusto nyang sumigaw pero walang lumalabas na ingay. Pag harap nya para lumabas ng kusina ay nakatayo na ang isang lalaki sa harapan nya. Nakita ni Eric ang hawak nitong patalim.

AAAAAHHH!!!!! Sigaw ni Eric.

Nawala ang lalaki sa harap nya at patakbong lumabas na ng kusina si Eric.

Pero hindi pa sya nakakalayo ay napaluhod na sya sa sahig at may dugong lumabas sakanyang bibig.

Pag tingin ni Eric sa tiyan nya, nakasaksak na sa sikmura nya ang patalim.

Binunot nya ito at saka bumagsak sa sahig ang walang buhay nyang katawan.

SELOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon