CH. 1 - Miyerkules Santo

308 3 0
                                    

May isang grupo ng kabataan ang nakatayo sa labas ng isang malawak bakuran. Sa loob nito ay may isang magandang lumang bahay.

Mang Ising?? Mang Ising!! Sigaw nung isang binata, habang kumakatok sa bakod.

Drew, wala naman yatang tao eh. Sabi nung isa nilang kasama

Wag ka ngang excited dyan, Llyod. Sagot Andew sa kaibigan nya. Maya-maya pa ay may lumabas ng matandang babae galing sa loob ng bahay. Oh! Ayan na.

Maligayang pagdating po, Sir Andrew. Bati ni manang Ising, habang pinag bubuksan nya ng pinto sila Andrew.

Salamat po Manang Ising. Pasalamat ni Andrew.Pahanda naman ho ng miryenda oh. Ang tagal kasi ng byahe namin. Malamang sa gutom na tong mga kasama ko.

Opo sir, masusunod.

Salamat ulit, Manang.

Nauna na si Manang Ising sa loob ng bahay para ipaghanda ng miryenda sila Andrew. Pinagkukuha naman nila Andrew ang mga gamit nila sa loob ng van at ipinasok sa loob ng bahay.

Drew, Ganda naman ng bahay ng mang lolo’t lola mo. Sabi ni Llyod, habang namamangha sa ganda ng bahay.

Salamat pare.

Anung maganda? What’s maganda here? Eh ang old old of this house na. Sabi ng isa pa nilang kaibigan.

Faye, yang dila mo ha. Saway naman nung isa.

Why Janine? Tanong ni Faye kay Janine. I’m just telling the truth naman diba? Saka truth hurts. LOOK!! Puro dust! Eew! Amoy luma pa! Naiiritang sinabi ni Faye, habang nagpapay-pay.

Nung una, napakamot nalang ng ulo yung boyfriend ni Jenine. Pero ng sumobra na si Faye, sinagot na nya ito. Kaamoy mo?

Anong sabi mo Kyle? Nagalit si Faye at binato nya ng pamaypay si Kyle. Ang sakit mo mag salita ah!

Akala ko ba masakit ang katotohanan?

Babe naman, wag mo ng patulan si Faye. Saway ni Janine sa nobyo nya.

Ang arte kasi Babe eh.

Napansin ni Andrew na nagkakainitan na sila Faye at Kyle. Kaya sumingit na sya sa usapan.

Ei! Guys! Bakasyon natin to, walang mag aaway. Sabi ni Andrew. So, eto yung mga kwarto. Yung gitnang pinto, sa mga babae kasama nila si Josh dyan. Tayong mga lalaki, doon sa kabilang pinto malaki naman yung kwarto na yon kaya kasyang kasya tayong lima.

Di ba pwedeng kami nalang ni Babe ang nasa isang kwarto? Tanong ni Kyle.

Wag na babe, kami nalang ni Faye mag sasama sa isang kwarto. Sabi ni Janine kay Kyle. Magsama sama na kayong mga lalaki.

Ayaw mo ba akong kasama matulog?

Di naman sa ganon. Alangan naman na nag-iisang babae si Faye na doon matutulog kasama ng boys. Di ba Drew?

Sumang ayon naman si Andrew.

Syempre panira ka e. Bulong ni Kyle.

Basta ako, gutom na ko.Epal ni Llyod. Drew, Hindi pa ba handa yung miryenda?

Ako din! Gutom na ko. Sang-ayon ng kapatid ni Faye.

Ay nako Llyod, mag bestfriends nga talaga kayo ng kapatid kong si Mark. Sabi ni Faye. Ang ganda ng tandem nyo, Fat and Thin.

SELOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon