CH. 2 - Huwebes Santo

169 1 0
                                    

Kamusta po mga tulog nyo? Tanong ni Manang Ising sa mga bata. Kumakain na sila ng almusal.

Sarap! Sagot agad ni Lloyd. Presko ng hangin kagabi!

Oo nga sarap din ng tulog ko. Sang-ayon ni Eric

Oo nga eh. Magkayap nga kayo kanina nung nagising ako. Sabi ni Andrew.

Si Eric kasi, yakap ng yakap!

Hoo! Gusto mo naman! Pang asar ni Eric.

Me? I didn’t have the chance to fall asleep! Our room is super dusty! I can’t breathe! Nag umpisa nanaman mag inarte si Faye. Manang pwede bang paki alikabukan muna yung kwarto namin? Please lang!

Bat di mo binuksan yung bintana nyo ate? Tanong ni Mark.

Edi nilamok naman ako! You’re such an Idiot!

Hoy Faye! Wag mo ngang ganyanin kapatid mo! Saway ni Janine.

Maiba ako, Janine. Saan ka galing kagabi? Tanong ni Faye.

Oo nga pala, naalimpungatan ako kagabi. Nawala din si Kyle saka si Drew sa tabi ko. Sabi ni Mark.

Uminom kasi ako ng tubig. Sagot agad ni Andrew.

Nag usap lang kami ni Ja. Sagot naman ni Kyle.

Nacurious si Faye sa sinabi ni Kyle at tinanong nya ito. About what?

Wala ka na doon. Pakielamera ka talaga ng buhay ng may buhay! Nainis na sumagot si Kyle.

Sobra ka na talaga Kyle! Ang sama mo! Di ko alam kung ano ang nakita sayo ng Bestfriend ko at ikaw ang naisipan nyang sagutin!

Natahikim ang lahat.

Wala na kong ganang kumain. Sabay umalis si Kyle.

Tiningan lang ni Janine ng masama si Faye at hinabol nya si Kyle. Kyle!!!

Two down! Sigaw ni Eric.

Nagtawanan lang sila Eric, Lloyd, Josh at Mark. Si Faye naman ay nawalan na din ng ganang kumain at pumunta na sa kwarto nila. Sinundan naman ni Andrew yung dalawa.

***********************************************

Hinabol ni Janine si Kyle hanggang sa makarating sila sa balkonahe.

Kyle ano ba? Naiinis ng sinabi ni Janine.

Huminto si Kyle sa kina tatayuan nya at hinarap si Janine. Sabihin mo nga Ja, mahal mo ba talaga ako?

Ano bang tanong yan Babe?

Wag mo akong daanin dyan sa pa-babe babe mo! Sagutin mo tanong ko? Mahal mo ba ako?

Narinig ito ni Andrew, na kasalukuyang ng tatago sa gilid. Hinihintay nilang sumagot si Janine, pero hindi siya sumagot.

Sabi ko na nga ba eh. Sabi ni Kyle.Kasi yung kumag na kababata mong yon! Iyon ang mahal mo!

Kyle… Wag ka namang ganyan. Naiiyak ng sinabi ni Janine.

Sinubukan nyang yakapin si Kyle pero pumalag ito.

Wag mo muna akong kausapin. Break na muna tayo. At iniwan na ni Kyle si Janine.

Kyle!! Sigaw ni Janine, pero hindi sya pinansin ni Kyle.

SELOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon