“Ate! Ate! Gising na dali!” Jane was awakened due to her sister’s loud voice and excessive shaking.

“Hmmm. Bakit?” Jane asked her sleepily.

“Dali na! May interview ka daw sa K News Tonight!” sabi ni Noemi.

“Ha?” napabalikwas si Jane sa kama at dali – daling tumayo. “Interview? K News? Ako?” Jane asked. Lahat ng sinabi ng kapatid niya don’t make sense to her.

“Oo nga! Dali na at aayusan ka pa naming ni Mommy! Nag-aantay na sa baba yung crew saka magiinterview sayo!” Paghahadali ni Noemi.

Biglang tumakbo si Jane papunta sa terrace para icheck yung mga staff, pero masmabilis sa kanya si Noemi at hinila na siya nito papasok ng banyo.

“Bilisan mo na Ate! May iba pa daw sila iinterviewhin baka umalis yun pag natagal sila,” pagpupumilit ni Noemi habang tinutulak ang Ate niya sa banyo.

“Oo na, maliligo na. Sandali lang ako promise.”

Few minutes later, Jane, her mom and her sister were all busy prepping Jane for her interview.

“Sigurado ba kayo na dapat naka-Prom dress ako? Yun daw talaga costume requirement?” tanong ni Jane habang humihikab.

“Oo, Anak. Tamang tama lang yang suot mo. Ate, bakit naman antok na antok ka?” kanina pa kasi napapansin ng mommy ni Jane ang sunud- sunod na paghikab nito.

“Sorry Mommy. May tinapos kasi ako libro until 4AM ata yun,” sagot ni Jane sabay hikab ulit.

Soon, they finished glamming up Jane.

“Mommy, ayos lang ba talaga bihis ko saka make-up?” Jane asked them for the last time before she goes out for the interview. Mixed emotions nararamdaman niya ngayon. First, kasi hindi siya nasabihan. Pakiramdam niya para siyang nasalang sa isang graded recitation agad- agad. Second, hindi niya alam kung tungkol saan ang interview, ansabi lang sa kanya ng kapatid niya it will be about her life. Third, it is her very first televised interview.

“Ate, keri na yan. Kanina pa sayo nag-aantay si Ma’am Charing,” sabi ni Noemi sabay tawa ng malakas. She couldn’t stop laughing kaya naman tumatawa pa din siya habang palabras ng kwarto.

“Okay Ate. Check ko lang kung ready na sila ha? Maybe you can come out after 5 minutes,” malambing na sabi ng Mommy sabay ngiti na maalam.

Jane waited for 5 minutes and decided to go out. She even prayed n asana maging maayos ang interview at maging maayos ang mga sagot niya. She closed her eyes, inhaled deeply and opened the door.

Paglabas niya ng kwarto nagtataka siya bakit walang mga tao at lahat ng ilaw sa bahay ay naka- off. It’s almost sunset at unti- unti na din dumidilim sa bahay nila. Jane reached out for the switch, pero hindi sumindi ang mga ilaw. She tried it a few time, pero wala pa rin nangyari. “Wala bang kuryente?” Jane asked herself.

“Mommy? Noemi? Saan kayo?” Jane called. She fumbled her way around the house due to limited light. Aside from the fact na malabo ang mga mata niya, she also has night blindness which made it more difficult for her to move around.

“Noemi! Hindi nakakatawang biro ito ha?” sigaw ni Jane. She isn’t sure kung naririnig siya ng mga ito. Just then narinig niya ang hagikgik ng kapatid niya. “Aaaaah. You wan’t to play ha?” Jane said out loud.

Naalala ni Jane nung bata pa sila, they used to play hide-and-seek, lalo nap ag brown out. Buong pamilya sila magtataguan, maglalaro sila ng maglalaro hanggang bumalik ang kuryente.

A Change of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon