TRAIN took his phone from his pocket and called his father. Hinanap nya kanina ang driver nila pero wala na ito. Ang sabi nung isang kasambahay ay umalis na raw ito. Great! Just fucking great! Paano sya ngayon makakauwi?!
Nagbago na ang isip nya. Gusto nya ng umuwi! Hindi nya naman tatakasan ang napag-usapan nila ng Ama pero kailangan nya lang talaga umuwi para makapagpalamig. Inaamin nya, nakaramdam sya ng inis sa kung paano sya tinrato ni Carly kanina.
She's cold yet she spits fire. Matalas ang dila ng dalaga at prangka. Wala nga itong pakelam sa kagwapuhan nya! She's weird! 'She looks like a goddess!', sulsol ng isang bahagi ng utak nya. And he couldn't agree more!
He inhaled a deep breath.
Babalikan nya na lang ang dalaga sa isang linggo at sisiguraduhin nyang mapapapayag nya ito, by hook or by crook! Lalandiin nya ito hanggang sa bumigay ito.
"I'm busy. " Agad na bungad ng Ama nya ng sagutin nito ang tawag.
"I can't do this Dad...not now. " Mahinahong untag nya sa Ama. Hindi agad nakasagot ang nasa kabilang linya.
Narinig nya ang malalim na pagbuga ng hininga nito.
"Gusto mo ba ipaalala ko sayo kung bakit kailangan mong gawin ito?" Kalmadong saad ng Ama nya.
"Ikaw ang tagapagmana ng kompanya natin. Alam mo kung gaano kahalaga ang kompanyang ito sa pamilya natin---"
"For goodness sake Dad! I'm an engineer! Wala akong alam sa pagpapatakbo ng kompanya!" Mariin nyang putol sa Ama.
"Precisely! Wala kang alam! Carly Villareal is a business minded woman. Alam nya ang pasikot sikot sa negosyo. Kapag sya ang naging asawa mo, matutulungan ka nya sa pagpapatakbo ng kompanya. She could help us to expand or more likely merge our company with theirs. This is a big opportunity Train, wag mong sirain ang pinaghirapang kompanya ng Lolo mo. " Mahabang aniya ng Ama ni Train.
Somehow, he felt a little guilt. Totoo naman kasi na wala syang masyadong alam sa pagpapatakbo ng kompanya. Baka sya pa nga ang maging dahilan ng pagbagsak nito.
"You know me Train, hindi ko ipapagawa sayo ito kung hindi kailangan. Hinayaan kita na kuhanin ang kurso na gusto mo kahit na ang gusto ko para sayo ay kumuha ng business related course. Kung may kapatid ka lang ay hindi ko ipipilit na ipagawa sayo ito. " Kalmadong litanya ng Ama.
"It wasn't my fault that you have weak sperm cells. Hindi tuloy ulit kayo nakabuo ni Mommy!"
"Aba ikaw talagang---"
Agad na pinutol ni Train ang sasabihin ng Ama at ibinaba ang tawag.
He doesn't want to ruin the name of Salvatore in liquor industry but he wasn't really into running a company.
He's an engineer not a businessman. Hindi sya tulad ni Declan na maraming alam sa negosyo. Declan is an engineer and a businessman at the same time. Inaral talaga nito kung paano magpatakbo ng negosyo para mapabagsak yung huklubang pekeng Ama. But what about him? Wala syang interest sa negosyo. Yes, he was part of an underground organization. He negotiated with those dangerous people but still it wasn't enough.
Hindi nya talaga gusto magpatakbo ng kompanya, he even plans to sell it or whatever after he gets it pero mukhang hindi mangyayari yun dahil kinokosensya sya ng Ama at gusto nitong ipagpatuloy nya ang nasimulan ng Lolo nya.
Marahas nyang ginulo ang buhok nya.
'Ang sarap pukpukin ng blueprint ni Olivaro!'
Huminga sya ng malalim nang may muling maalala.
BINABASA MO ANG
Taming The Heiress
RomanceR-18|Mature Content Read at your own risk Train Salvatore is a well known playboy. He never had a serious relationship. He flirt with girls and dump them afterwards. He hates commitment. Love is only for fools or so he thought. Then one day his fat...