Chapter 22

16.7K 510 35
                                        

TRAIN blew a frustrated breath then threw his phone on the dashboard. Kanina nya pa tinatawagan ang asawa pero mukhang pinatay na talaga nito ang phone. Hindi nito sinagot ang una nyang tawag at nang sumubok ulit sya ay nakapatay na iyon.

Marahas syang napahampas sa steering wheel. Sigurado syang alam na ni Carly na nagsinungaling sya.

Bakit nga ba sya nagsinungaling? Kung alam nya lang na ganito ang mangyayari, sana pala ay nagsabi na lang sya ng totoo. Lesson learned, never lie to your wife.

His phone rang. Mabilis nyang kinuha ito sa pag aakalang si Carly ang tumatawag. He groaned when he saw that it was Blake.

"Nahanap mo na?" Bungad na tanong nito.

He suddenly remembered that he asked for his help.

"No, hindi ko na alam kung saan ko sya hahanapin. "

Pumunta sya sa opisina ni Carly, baka kasi bumalik ito pero sabi ng guard ay hindi ito bumalik. He called her secretary, wala rin itong alam kung nasaan ang asawa nya.

"Tss bakit kasi nagsinungaling ka pa?"

"Hindi ko naman inaasahan na ganito ang mangyayari. "

"Alam mo Salvatore, minsan ang mga babae, alam na nila ang sagot bago pa sila magtanong. Sana kasi nung tinanong ka nya kung nasaan ka, dapat sinabi mo na lang ang totoo. "

Then suddenly Carly's words echoed in his mind. "The next time you will lie, please make it at least somehow believable. "

She knew. Fuck! He didn't intend to lie on her, he just doesn't want to hurt her or made her think that he has another woman. Pero mukhang mali yung naging desisyon nya na magsinunangaling dito.

"Bakit ba kasi pinuntahan mo si Elaine?" Tanong ni Blake.

He hissed.

"Lia called me. You were also there when I arrived. " He fired back.

"Hindi dahil sinabi ni Lia na puntahan mo si Elaine, pupunta ka na agad. Kapag ba sinabi nyang iwan mo si Carly, gagawin mo?" Naghahamong tanong nito.

"There's no way that I will fucking do that. " He said and gritted his teeth.

"Exactly dumbass! May sarili kang desisyon! Kung alam mong magkakaproblema kayo ng asawa mo sa request ni Lia, sana hindi ka na pumunta. "

Marahas nyang sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.

"She told me that Elaine was looking for me, na ayaw nito umalis hangga't hindi ko sya pinupuntahan. "

"So kapag hinanap ka nya, pupuntahan mo sya at magsisinungaling ka sa asawa mo?"

"No, of course not!" Depensa nya.

"You just did Train. "

"Pinuntahan ko si Elaine dahil naaawa ako sa kanya. I lied to Carly and I know it was a mistake. I was wrong. "

"Buti naman at inaamin mong nagkamali ka. I don't see any wrong on helping Elaine but you should always put your wife first. Isipin mo kung anong mararamdaman nito. "

Natahimik sya ng ilang sandali.

"Sa tingin mo ba nasaktan ko sya dahil sa ginawa ko?"

"She left without telling you where on Earth she will go. She even turned off her phone so you can't call her. Think asshole. "

He sighed.

"I don't wanna lose her. "

"Then be a man. Think of the consequences first before you take an action. She's not one of your women back then. She's your wife. "

Taming The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon