MABILIS na lumabas si Train ng sasakyan nang makarating sa mansyon nila Carly. Mahaba ang naging byahe nya at kahit pagod sa byahe ay hindi nya inalintana iyon.
Agad na sinalubong sya ni Osang nang pumasok sya ng mansyon.
"Señorito Train!" Magiliw na tawag nito sa pangalan nya.
"Where's Carly?" Tanong nya habang inililibot ang tingin.
"Sa may kwarto nya. Dumating sya kaninang madaling araw at mukhang napagod sya sa may---"
Hindi na nya pinatapos ito at agad na tumakbo patungo sa kwarto nito.
He's now in front of her door. He took a deep breath first before he finally decided to knock softly.
"Baby..." He called.
No response.
"Come on, I know you're mad at me. Please let's talk. " Bahagya syang natigilan sa sinabi nya. Just talk? Tss, what a scam. Naalala nya yung nangyari sa kanila ni Carly. He suddenly felt the familiar heat.
He shook his head, now is not the time for that.
He knocks againn
"Baby, please open the door. "
Hindi nya alam kung gaano sya katagal sa harap ng pintuan nito bago sya nagpasyang umatras at hingin ang susi sa may kasambahay.
"Train hijo, mabuti at nakarating ka. " Salubong sa kanya ni Don Conrado. Nakatayo sa tabi nito si Anna na inaalalayan ang matanda. Tipid itong ngumiti sa kanya at sinagot nya na lang ng isang tango.
"Magandang umaga po Don Conrado. " Lumapit sya rito at bahagyang yumuko.
"Drop the formalities hijo. I told you to call me Lolo, you're my granddaughter's husband after all. " The old man chuckled.
"Nagkita na ba kayo ni Carly? Ang sabi nya ay hindi ka makakapunta dahil busy ka. Natutuwa ako at nakarating ka. " Nakangiti pa rin ito.
May hindi ba sya alam? Anong meron? He's busy? Wala naman syang pinagkakaabalan dahil tapos na yung isa sa mga project na binigay ni Blake sa kanya.
May narinig syang mga yabag na papalapit at sabay sabay silang napatingin sa bagong dating.
Pakiramdam nya ay nabuhayan sya bigla nang makita ang magandang asawa pero agad din yun nawala at napalitan ng matinding inis nang makita ang kasama nito.
Agad na nagtagis ang bagang nya at kumuyom ang mga kamao.
"Train pare! Mabuti nakarating ka." Masayang saad nito. Nilingon nito si Carly na nakatitig lang sa kanya.
Mukhang galing sa pangangabayo ang dalawa. He silently groaned. He hates the fact that his wife was with this asshole with an annoying face. This man really irritates the hell out of him!
"Nandito na pala kayo hija. Did you have fun?" Carly nodded. She walked closer to her Lolo then kissed his cheek. Naamoy nya ang natural at mabangong amoy nito ng lagpasan sya nito.
He want to hold her but she immediately took a step back and stood beside the jackass.
"What about you hijo?"
"I had fun Lolo! Konti na lang matatalo ko na si Carly karera!" Masayang saad nito.
He snickered because of this guy's boastfulness.
"Mauna na ako at may kailangan pa akong kausaping bisita. "
The old man tapped his shoulder and then left together with Anna.
"Ang sabi mo hindi sya makakarating?" Bulong ni Kallil kay Carly na rinig naman nya.
"He's not supposed to be here in the first place. "
He suddenly felt a pang on his chest. Her words stung and her tone was cold. Her eyes held no emotions. She was just staring blankly at him.
"What are you doing here?" She asked and then crossed her arms.
"Let's talk. " He answered with so much emotions.
"Ahm sa kusina muna ako bigla kasi akong nagutom. " Mabilis na umalis si Kallil at iniwan sila.
Mabuti naman at nakaramdam ito.
Nilagpasan sya ni Carly na agad naman nyang sinundan.
"May sasabihin ka ba?" Tanong nito ng hindi sya nililingon.
"Baby..."
"Don't call me with that endearment. Yan din ba ang tawag mo sa mga babae mo?"
"No, wala akong babae. " Depensa nya.
"I find it hard to believe. " Sagot nito. May kinuha itong susi sa bulsa at binuksan ang pintuan ng kwarto.
Agad syang sumunod nang pumasok ito. Mahirap na at bigla syang saraduhan. Kaya pala walang nagbubukas sa kanya kanina dahil wala ito sa kwarto.
Is it necessary to lock her door? Well maybe she got a lot of important things inside her room. Maybe some important documents or any work-related stuffs.
Umupo ito sa kama at inalis ang suot na boots.
"If you have something to say, fire away. I still have lots of things to do. " She coldly said.
He blew a deep breath.
"I'm sorry. " He sincerely said. Alam nyang nagkamali sya, hindi nya naisip ang mararamdaman nito bago nya pinuntahan si Elaine. Kung nasaktan nya man ang feelings nito or ang ego, it still wasn't an excuse. She's his wife, he must always prioritize her.
"What are you sorry for? For lying to me or for choosing her over me?" Malamig ang tono nito at sa kabila ng lamig na iyon ay naramdaman pa rin nya ang sakit sa bawat salitang binitawan nito.
"Look Carly..."
Naglakad sya palapit dito pero agad bumaba ang tingin nito sa distansya nila at ng mag angat ng tingin sa kanya ay tinaasan sya ng kilay.
He sighed.
Hindi na sya muling humakbang at nanatili na lang sa kinatatayuan kahit na gustong gusto na nyang sugurin ng yakap at halikan ito.
"Yes I lied when you asked me where I was. But baby please, don't think that I chose her over you. "
Mapait na ngumiti si Carly at tumayo mula sa pagkakaupo.
"I want to ask you a question and if you will answer me honestly, maybe I will believe you. "
Tinitigan sya nito. Wala pa ring emosyon ang mga mata nito.
"Anong meron sa inyo ni Elaine?"
Natigilan si Train, hindi dahil may namamagitan sa kanila ni Elaine kung hindi dahil hindi nya alam kung paano ipapaliwanag kay Carly ang lahat.
Ano na lang ang iisipin nito kapag nalaman ang dahilan nya kung bakit nakipaglapit sya kay Elaine? Na manggagamit sya? Manloloko? Walang puso? If that's it, she will surely hate him.
Mag iiba ang tingin nito sa kanya. Paano na lang kung iwasan sya nito? Hindi nya kakayanin.
"You can't answer me, I see. " Saad nito nang mapansin na wala syang balak sagutin ang tanong nito.
"Please leave. Maliligo pa ko. "
Tinuro nito ang pintuan at tinalikuran sya.
Pumasok ito sa bathroom at sinarado ang pintuan.
Ginulo nya ang buhok at marahas na napahilamos sa mukha gamit ang mga kamay.
When did he become a person who's afraid to risk? When did he become a coward? Paano kung malaman ni Carly sa iba ang dahilan nya? Iisipin nito na nagsinungaling sya at kapag nangyari yun ay siguradong tuluyan na syang lalayuan at iiwan nito.
Napatingin si Train sa pintuan ng bathroom. He made up his mind. He will tell her what she wanted to know, his true reason.
He will accept her opinion of him. If she gets mad, he will embrace it and he will do everything to make it up with her.
#hh
BINABASA MO ANG
Taming The Heiress
RomanceR-18|Mature Content Read at your own risk Train Salvatore is a well known playboy. He never had a serious relationship. He flirt with girls and dump them afterwards. He hates commitment. Love is only for fools or so he thought. Then one day his fat...