Chapter 1 (The day they met)

110K 1.7K 123
                                    


HAILEY'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HAILEY'S POV

"Akin na yan! Kuya naman e! Akin na kasi yan!" Sigaw ko na pilit na inaagaw sa kanya yung chocolate. 

Dapat pala itinago ko na lang. Ayan tuloy kailangan pa naming mag-away.

Favorite ko kasi ang mga chocolate. Masarap at matamis kasi. Walang araw na hindi ako kumakain ng chocolate. 

"Hoy! Kapag nagkaroon ka ng diabetes, wag mo kong sisisihin. At baka tumaba ka pa diyan. Pasalamat ka hindi ka pa tumataba!" Sabi ni Kuya ko si Kuya Chris

"Kuya naman! Hindi naman nga ako tumataba.I hate you! Last na lang kuya. Please. Please." Sabi ko at nagpuppy eyes pa sa kanya.

Sana umubra. Umubra ka! Abracadabra! Wooo~

He sighed.

"Okay. But last na lang yan. Pasok ka na. Diba first day of school ngayon? Tara na."

Yehey! Grabe ang galing ko talaga. Wala talaga itong si Kuya. 

Tumayo na kami ni kuya Chris at umalis na sa living room.

Syempre dahil first day of school na. Nyahahaha. Naeexcite na ako!

Pasakay na kami sa koste ng magsalita siya ulit.

"You should be a good girl. Nasa 4th year high school kana. Dapat magmature ka na."

ANO? Mature na kaya ako! 

Nagpout ako.

"Eh? Hehehe! oki doki." sabi ko na lang. 

Diba mature na ako? Hindi na nga ako naglalaro eh. Noong isang linggo kasi nagbarbie ako.

Pero ngayon hindi na nga e. Tignan niyo one week na akong hindi naglalaro ng barbie.

Tsaka mabait naman ako at masunurin. Tapos masunurin at mabait pa'rin ako. 

Nasabi ko na ba yun? 

Ay ewan.

Sumakay na kami at pumasok na sa kotse.

At tsaka nagseatbelt . Baka mabangga pa kami . Dapat sure na. Para hindi mauntog ulo ko. 

 Waah! Ayoko.   

Mahirap na baka makakita pa ako ng dugo.

Tinignan ko si Kuya Chris.

Hay. Alam niyo kaming dalawa na lang sa bahay.

Yung kuya ko third year college na at super protective at napakaaaa bait niya. Kaya love na love ko yan.

Kahit medyo babaero. Slight lang.

Ang mommy ko naman ay namatay na. Maliit pa lang kami ng namatay na siya Dahil sa car accident. Ang daddy ko naman ay wala dito. Nasa Canada siya. Minsan lang siya bumibista.

When Mr.Cold Guy Fell In Love |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon