Chapter 18 (Kurt's mother)

28.7K 761 27
                                    

HAILEY'S POV


"Hoy Teh, tara na! Gusto mo malate?" sabi ni Kylie.


"Wait lang kasi! May tinitignan pa ako dito eh." pagmamaktol ko sa kanya.


Nakita ko kasi si Kurt eh. Nagmamadaling lumabas ng school. Weird 'no? Parang excited.


Dahil nacurious na naman ako. Edi ito. Sinundan ko. Hehehe! Sinama ko na rin si Kylie.


Para pareho kaming mapagalitan kapag late. buahahaha! 


"Hailey! patay tayo kapag na-late! Bilisan mo na! Ano ba kasi yung tinitignan mo diyan? para tayong mga stalker. Haish!" galit na sabi ni Kylie.


Hindi naman, tinigtignan lang naman namin.


Nasa may punong kahoy kami. Ito naman kasi ang bilis mainip.


"Wait lang! Si Kurt oh!" pabulong na sabi ko.


Umayos naman siya ng tayo at dali daling tinignan yung nasa hallway. Nasa main gate sila.


Bigla akong naiinis. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako Hmp!


Sino naman kaya yung babaeng kasama ni Kurt!? Kalbuhin ko kaya yun!


Ay ano ba yang naiisip ko? Nababaliw na ako! Huhuhu!


"Hala? pinagtataksilan ka ni Kurt!" sabi ni Kylie na tinitignan niya din sina Kurt at yung isang babae. Nakatalikod yung babae kaya hindi ko nakikita.


Sino kaya yun? at bakit niya kinakausap si Kurt!?


"Hindi naman kami noh! Tsaka hindi ko din siya gusto." pagtatanggi ko. Kahit merong konting katiting ito sa puso ko.


"Shunga! Huwag mo nga ako lokohin. Alam kong may gusto ka sa kanya at meron din siyang gusto sayo. Tsaka halata naman kaya, makastalk ka naman sa kanya, wagas." sabi ni Kylie.


Kaya napalingon naman ako sa kanya. Kaya medyo natuwa ako doon sa sinabi niya. Pero hindi ako stalker! Kulit nito!


"Pano mo nasisigurado na may gusto yun sa akin? Eh hindi naman nga niya ako tinitignan eh. Kahit saglit na titig hindi ko siya nakita. Aber? ...ako lang naman tong may gusto." sabi ko pero sa huling sinabi ko ay pabulong na lang.


"Ha? Eh nakikita ko kaya siya na nakatingin sayo kahapon." sabi niya.



May narinig akong nagring ang cellphone niya.


Tapos dahan dahan niyang kinuha yung cellphone niya. May nagtext ata sa kanya. Nakita kong ngumiti ito. Na parang kinikilig kilig pa.


When Mr.Cold Guy Fell In Love |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon