HAILEY'S POV
>////<
Hindi ko pa rin makalimutan. Waaaah! Mababaliw na ata ako dito! Bakit ganito yung epekto? nakakaloka.
Yung mga malambot niyang labi na dumampi sa akin.
Hihihi! Nakakakilig! Ito na ba yung sign na malapit ng love story ko?
Gumulong gulong ako sa kama sa sobrang kilig.
*tok tok.
"Ay baboy!" bigla ako nahulog sa kama. Kaya tumama ang pwet ko sa sahig.
Aish! ang sakit!
Huwaaaah! Ang pwet ko!
"Hailey, ayos ka lang ba diyan?" rinig kong tanong ni Kuya.
"Opo! Kuya!"
Si Kuya Chris talaga! Panira ng moment.
"Maligo ka na. Tapos bumababa ka na para kumain. May pasok pa." sabi ni Kuya.
Ay oo nga pala! Nakalimutan ko.
Napakamot na lang ako sa ulo at tumayo.
Ano ba yang ginagawa ko? Huwag ko nga muna isipin.
Nagiging timang tuloy ako.
"Wait lang! Magshoshower lang ako." sabi ko at kumuha ng isang tuwalya para sa pangliligo ko.
"Fine, bilisan mo lang." dagdag pa ni Kuya.
"Aye aye captain!" sabay saludo ko sa kanya kahit na nakasara ang pinto.
--
"Nangyare sayo? PAra kang ewan diyan. Ngiti ka ng ngiti." sabi ni Kylie sa akin.
Tinignan ko ito at ngumiti ng napaka lapad ^_____________^
"Nakakakilabot naman yang ngiti mo." sabi ni Kylie habang hinihimas himas ang balat ng braso niya.
Ngumuso ako.
Hindi naman ah! Ito talaga! Ngumiti lang naman ako.
Natutuwa lang naman ako noh! Buahahaha!
"Aish! para kang tanga. Sinaniban ka ba ng aso diyan? at kung makangiti ka parang asong baliw." sabi ni Kylie.
"Uy! Ang sakit mo naman magsalita! Bestfriend ba talaga kita?" sabi ko sa kanya at nagmartsa na palabas ng room.
BINABASA MO ANG
When Mr.Cold Guy Fell In Love |Completed|
أدب المراهقينWHEN MR.COLD GUY FELL IN LOVE Written by: jpinky18 All rights reserved. Copyright © 2015-2016 -- Paano ba mainlove ang isang lalake na ubod ng sungit, walang pake sa mundong ginagalawan, Yung tipong kakausapin mo lang ay biglang aalis. Tapos susungi...