Chapter 39 (Officially )

30K 938 45
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nagising ako mula sa kalabog ng pinto mula sa labas. Tinakpan ko ng unan ang tenga ko at hinayaan ang kumakatok.


Ang aga-aga pa eh. Sino na naman ang  nang gigising sa'kin?


"Gising na, Hailey!" tapos mas lumakas ang kalabog ng pinto sa labas.


Ano ba yan? Natutulog nga yung tao eh. Hmp! Nagslesleeping beauty pa ako.


"Isa pa, Hailey pag ikaw  hindi ka tumayo diyan at hindi mo ako pinagbuksan, sisiguraduhin kong hindi ka na talaga makakatayo habang buhay diyan sa kama mo!" sigaw mula sa labas at hinala ko ay si Kylie.


Ihh naman eh. Si Kylie kasi dito na siya natutulog at para mabantayan na rin niya daw ako, pagkatapos kong maoperahan sa nabaling kamay ko ay inuwi kaagad nila ako at sinamahan naman ako ng besfriend kong si Kylie


Inalis ko ang pagkakakumot ko at tumayo para pagbuksan ang nanira ng magandang tulog ko.


"Ano? Matutulog pa ako eh." nakanguso kong sabi sa kanya.


"Wag kang ngumuso diyan. Papasok ka na. Wala na din Kuya mo, Kaya sasabay ka sa'kin. Maligo ka na tapos magbihis. Yung maayos." sabi niya at naglakad na paalis.


OO nga pala. May pasok na naman. Ayoko ko pa. Baka makita ko lang siya.


Alam niyo na...


Huli kaming nakapag-usap ni Kurt noong bagong gising ako mula sa pagkakatulog ng 3 weeks, then hindi na ulit siya nagpakita. Medyo namimiss ko na nga siya... 


Nakakamiss yung presensya niya... Super.


Huminga ako ng malalim at sinara na ulit ang pinto. Gusto ko na rin sanang kausapin si Kurt, kung magagawa ko.


----

"Hailey, diyan ka lang ha? babalik kaagad ako. Wag kang aalis." sabi niya at tumakbo paalis.


Saan naman yun pupunta?


Umupo na lang ako mula sa bench at inayos ang nakahawing buhok sa mukha ko.

"Uy, Hailey. Kamusta?" 


Napaangat naman ang ulo ko at nakita ko si Bryan na nakangiti ng malawak.

When Mr.Cold Guy Fell In Love |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon