Chapter 55:(Tears)

350 29 12
                                    

Third Person's View

"Tingnan n'yo pa ng maigi ang paligid. Baka may makita pa tayong ibidensya!" sambit ni Prosecutor Dan habang nasa Crime scene malapit sa ilog.

Hindi alam ni Prosecutor Dan kung bakit s'ya sumama ng malaman ang insedenteng ito. Malakas ang kutod n'ya na may malalaman siyang kakaiba.

May natagpuang bangkay kasi dito sa tabing ilog na halos isang bwan ng patay. Medyo naaagnas na ito.

Kaninang umaga ay may tumawag sa station nila at sinabi ngang may natagpuan silang bangkay dito. Kaya naman agad silang nag punta dito at nung una nagulat sila dahil pamilyar ang taong ito. Kinutuban si Prosecutor Dan at si Detective Park ng makita nila ang bangkay.

Dahil kahit halos naaagnas na ito ay nakikilala nila ang hitsura nito. Ito ay walang iba kundi si Alfred Alcantara.

May tama ito ng bala sa gilid ng ulo nito. Doon namuo ang pag sususpetsya ng dalawang.

Lumapit si Detective Park kay Prosecutor Dan.

"Prosecutor, sa tingin n'yo po ba ay may kinalaman ang sinabi n'ya noon sa station kaya s'ya pinaslang?" tanong ni Detective Park at na patingin naman s'ya dito saka napabuntong hininga.

"Malakas ang kutob ko. Pero ang pinag tataka ko ay kung paano may nakaalam na nag salita s'ya sa insidente 5 years ago? Gayong tayo tayo lang mga pulis ang nandoon sa station." sambit nito at nag katinginan naman sila.

"Saka kung pinatay s'ya dahil sa pagsasalita n'ya. Ibig sabihin.. may nangyari talagang kakaiba 5 years ago?" sambit ni Detective Park at napiling naman si Prosecutor Dan.

"No, they said nag suicide s'ya dahil sa depression. His family said na depressed nga itong tao dahil hindi parin s'ya maka get over sa nangyari 5 years ago. Na trauma siguro s'ya ng husto." sambit ni Prosecutor Dan at napatango tango naman si Detective Park.

"We'll see after the investigation." sagot ni Detective Park.

Munit makalipas ang ilang sandali ay may pulis na nagmamadaling pumunta sa gawi nila. Na patingin naman agad sila dito.

"Corpuz, anong problema?" tanong ni Detective Park. Nanlaki naman ang mata nilang dalawa ng may ipinakita ito mula sa kamay n'ya.

Agad nila itong tiningnan.

"S-saan n'yo ito nakita?" tanong ni Prosecutor Dan.

"Sa bangkay po ng biktima. Nung inenspeksyon po namin ang mga gamit n'ya. Nakita po namin sa bulsa n'ya ang bagay na iyan. Pwede pong gamitin ang bagay na iyan para mas mapabilis po ang pag-iimbestiga." sagot ni Corpuz at napangisi naman ng bahagya si Prosecutor Dan saka na patingin kay Detective Park.

Isa itong matibay na ebidensya..

***

Makalipas ang ilang oras ay bumalik na sina Prosecutor Dan at Detective Park sa station upang tingnan ang nakuha nilang edidensya mula sa katawan ni Fred.

Balak sanang ipaalam ng personal ni Prosecutor Dan ang insidente kay Mr. Henderson munit sabi ng Secretary nito ay Umalis daw ito ngayon upang bisitahin ang kan'yang anak na babae.

Nilinis muna nila ito at sa awa ng Diyos ay gumagana naman ito. Sinet-up nila ito saka nila tiningnan kung ano ang nilalaman ng SD card na natagpuan sa katawan ni Fred.

Noong una, panay glitch ang kanilang naririnig ngunit hindi nag tagal. Narinig nila ng malinaw ang naka record dito. Pinakinggan nila ito ng maigi.

The Scars in our Hearts ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon