Chapter 13:(Black Out)

1.1K 42 10
                                    

Third Person's View

Kasalukuyang nag-babasa ng reports si Drake ng bigla nalang tumunog ang  phone n'ya sa gilid. Agad naman n'yang tiningnan kung sino iyon at napabuntong hininga nalang s'ya ng makita n'yang si Nadine ang tumatawag.

Agad naman n'ya itong sinagot.

"Hello?" sambit ni Drake.

["Honeeey! How are you? I miss you so much!"] sambit ni Nadine sa kabilang linya at bahagya namang napangiti si Drake.

"I'm good. You? How have you been doing?" tanong ni Drake habang patuloy sa pag-babasa ng mga reports.

["Nothing. Katatapos lang nung photoshoot ko kanina. Pag nilabas na 'yung magazine, tiningnan mo honey ah?"] sambit pa ni Nadine at napatango tango naman si Drake.

"Sure. Anyways, I'm busy. We can talk later, okay?" sambit ni Drake at narinig naman n'yang napabuntong hininga si Nadine.

["Aww! Okay.. I'll talk to you later huh? I love you."] sambit ni Nadine at ilang segundo bago sumagot si Drake.

"I.. I love you. Bye." 'yun lang at binaba na ni Drake ang tawag. Saka nag-patuloy sa pag-babasa ng reports.

Stella's POV

Naningkit ang mga mata ko ng mapatingin ako sa smart glass ng office ni Mr. Monteverde. Nakita ko s'yang may kausap sa phone at take note.. ngumingiti ang dragon.

Nacurious tuloy ako sa kausap n'ya. Sabi n'ya ngumingiti lang s'ya kapag may dahilan. Ano kayang dahilan n'ya ngayon para ngumiti?.. Siguro girlfriend n'ya 'yung kausap n'ya. May girlfriend ba si Sir?

Napapailing naman akong kinutusan ang sarili ko dahil sa mga napasok sa isip ko.

Eh ano kung may girlfriend s'ya?! >____<

Nag-kibit balikat nalang ako saka ako nag-patuloy sa pag-gawa ng report tungkol doon sa mineeting namin kahapon ni Sir.

Vivian's POV

Ngayon ang umpisa ng work ko as secretary ni Mr. Wallance. Super gulat talaga ako ng sabihin n'yang gusto n'ya akong maging secretary. As in super talaga. Hindi nga agad ako nakapag react e. Buti nga pumayag si Mr. Monteverde na maging secretary ako ni Mr. Wallance.

Tsk! Ang nakakainis lang. Kung kailan mag-mumove on na ko ay saka naman kami pinag-lalapitan ni Mr. Wallance. Paano naman ako makakamove kung parati ko s'yang nakikita? Hays!

Nasa office ako ngayon kung saan katabi lang nung akin ang kay Mr. Wallance. Nakapangalumbaba akong nakatitig sa kan'ya.

"Hays, ang talino at ang gwapo n'ya talagaaaa. Paano ako makaka-move on kung parati kitang natititigan ng ganito?" malungkot na tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa kan'ya.

Maya maya, halos mapatalon ako sa gulat ng tumunog ang signal ko. Ibig sabihin tinatawag ako ni Mr. Wallance. Kaya naman napatayo agad ako saka ko inayos ang buhok ko saka ako dahan dahang pumasok sa loob ng office n'ya.

Nung pumasok ako, hindi n'ya ako tiningnan at nakatingin lang s'ya sa mga papeles na nasa harapan n'ya. Nang makarating ako sa harapan n'ya. Tumikhim ako kaya napatingin s'ya saakin. Ginawaran ko naman s'ya ng isang matamis na ngiti.

"H-how may I help you, Sir?" utal na sambit ko. Ewan ko ba, kapag kaharap ko talaga s'ya lagi nalang ako nauutal.

Ngumiti s'ya saakin dahilan para kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Napalunok naman ako.

"Make a coffee for me." nakangiting sambit n'ya at tumango naman ako agad.

"B-black coffee po 'diba, Sir?" tanong ko at nakangiti s'yang tumango.

The Scars in our Hearts ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon