Chapter 16:(TEAM BUILDING)

1.1K 45 17
                                    

Stella's POV

Maaga akong gumising para makapag-handa. Ngayon na kasi ang team building namin. Kasi 'diba, bukod sa pagiging secretary ni Mr. Monteverde.. under din ako sa marketing department kaya kasama ako sa team building hihi.

Pag-katapos kong maligo at mag-bihis, inayos ko na ang gamit na dadalhin ko. 3 days and 2 nights kami doon kaya nag-dala ako ng mga damit, Lunch at kung ano ano pang kakailanganin para sa activities na gagawin namin doon.

Napatigil ako saglit ng may maalala ako. Gantong ganito ako noon nung nag-karoon kami ng science camp sa school. Hays, kamusta na kaya 'yung LLU? simula nung gumraduate ako doon ng high-school hindi na ako nakabalik. Busy kasi e.

At saka ang alam ko.. iba na 'ata 'yung may-ari ng LLU. Kasi nga 'diba hindi na dito nakatira 'yung mga kamag-anak ni Liam?.. Lumipat na sila ng ibang bansa. Pati 'yung JL Group of Companies hindi narin dito naka-base. Ang alam ko sa America na sila nakatira. Hays, nakakamiss ang LLU!

Pinag-patuloy ko nalang ang pag-aayos ng gamit ko. Sa tapat kami ng hotel mag-kikita kita. Nandoon nag-aantay 'yung bus na sasakyan namin.

Nung matapos na akong mag-impake ng mga damit ko ay umalis na agad ako ng unit ko. Hindi na ako kumain, makelate na ako e.

***

"Stel!"

"Ay kabayo!" nagulat nalang ako ng biglang sumulpot sa gilid ko si Thirdy. Kasalukuyan kasi akong nag-lalakad patungong hotel. Nginitian lang n'ya ako saka n'ya kinuha ang bag na bitbit ko.

"Ako na mag-bubuhat." sambit n'ya saka n'ya kinuha saakin at isinukbit sa harapan n'ya. May back pack din kasi s'ya sa likod n'ya.

"May buhat kana. Ako nalang ang gagawa n'yan." sambit ko at nung tinangka kong agawin sa kan'ya ay pinigilan n'ya ang kamay ko.

"Ako na. Bilisan nalang natin mag-lakad." sambit n'ya saka ako hinawakan sa braso at nag-lakad na. Hays wala naman akong nagawa. Mukhang mabigat pamandin 'yung bag n'ya.

Pag-dating namin doon. Nakita kong kami nalang palang dalawa ang inaantay. Nandon na kasi sila Kourtney,David, Zoe, Dexter at Vivian.

"Nandito na pala kayong lahat. Late naba kami?" tanong ko sa kanila at umiling naman agad si Zoe.

"Hindi naman. Sakto lang ang dating n'yo. Ayan na 'yung bus oh!" sambit n'ya saka turo sa likod ko. Napalingon naman kami doon at totoo nga ang sinabi n'ya. Andan na 'yung bus.

Isa lang naman 'yung bus na sasakyan namin. Iilan lang naman kami e. Alangang tag-iisa kami ng bus.

Niyakag na ako ni Thirdy papasok sa loob. Sa may unahan kami pumwesto dahil ayoko sa dulo. Nakakasuka. Although, medyo sanay na ako sa bus dahil tuwing umaga dito ako sumasakay papasok sa trabaho ko.. nahihilo parin ako kapag sa likod naka-sakay. Kaya hangga't maaari sa unahan ako sumasakay. Baka masukahan ko si Thirdy mahirap na hehe.

Katulad nalang nung nasukahan ko si.. L-liam. Hays, nalungkot ako sa naisip ko. Sa lahat nalang ng bagay naaala ko ang first love ko. Hays, hindi ko talaga s'ya kayang kalimutan na lang basta. Mahal na mahal ko parin s'ya e.

"Okay ka lang, Stel?" tanong ni Thirdy sa tabi ko. Nabalik naman ako sa huswisyo dahil sa kan'ya. Ngumiti ako saka tumango.

"Okay lang ako." sambit ko at tumango tango naman s'ya saka inayos ang mga gamit namin. At tama kayo, mag-katabi kami ni Thirdy. Lahat kami may katabi pwera kay Vivian na ayaw 'ata ng katabi hehe.

Pag-lipas ng ilang minuto. May sinabi lang na kaunti 'yung kondoktor ng bus at lumarga na kami. Sa byahe, nakatulala lang ako sa bintana. Ayokong mag-salita. Nahihilo kase ako hehe.

The Scars in our Hearts ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon