Chapter 33:(Thank Godness)

323 15 5
                                    


Stella's POV

Kahapon pa ko walang gana mag trabaho. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa akin. Hindi ko din alam kung bakit sobrang apektado ako sa sinabi sa akin ni Sir kahapon. May punto naman s'ya e.

Kasalukuyan akong nagagawa ng files ngayon, at pansin ko lang na sa lahat ng meetings ni Sir hindi n'ya 'ko sinasama, si Mr. Mawyer ang kasama n'ya ngayon. Iwas na iwas ba talaga s'ya sa akin? Ugh! Paano 'to! Hindi ako makapag trabaho ng maayos dahil sa iniisip ko!

"Aish!" napasabunot nalang ako sa buhok ng wala sa oras. Simula kaninang umaga ni hindi ko pa naka kaharap si Sir. Hindi rin n'ya kase ako tinatawag para pumasok sa office n'ya.

Ni hindi ko pa nga nagtatanong kung.. o-okay na 'yung daliri-

"Aish! Ano bang paki ko dun? Labas na 'ko doon!" Inis na sambit ko sa sarili ko. "Simula ngayon kung ano mang mangyari sa kan'ya, hindi ko na s'ya-" natigil ako sa pananalita ng makita ko si Sir mula sa office n'ya na naka tungo sa desk n'ya.

Tatayo na sana ako para lapitan s'ya at tungin kung bakit sya naka tungo ng bigla itong tuminghay na ito at bumalik sa pag tatype.

Dahan dahan naman uli akong napaupo saka napaupo ng bahagya.

Kala ko ba self wala kanang paki-- Ahh! Ewan!

***

NAG lunch na at inaya akong kumain ni Thirdy sa labas. Syempre sumama ako. Hanggang sa pagkain namin ni Thirdy ay tahimik lang ako. Kaya tinanong n'ya sa akin kung may problema daw ba ako. Umiling lang ako saka namin pinag patuloy ang pagkain.

At saka nga pala, nag volunteer s'yang ihatid ako mamaya pag uwi. Pero hindi ako pumayag dahil alam kong pinag oovertime s'ya ni Mr.Monteverde ngayon.

***

Third Person's View

7:30 na ng gabi at kasalukuyan ng nag lalakad papuntang bus stop si Stella para umuwi. Wala ring masyadong tao sa dinadaanan n'ya dahil gabi narin.

Habang nag lalakad s'ya ay hindi n'ya maiwasang mapaisip. Buong araw s'yang hindi humarap sa boss n'ya at iisang beses lang s'ya pumasok sa office nito ng tawagin s'ya nito ng isang beses pero ni hindi n'ya nagawang tingnan ito sa hindi n'ya malamang dahilan.

Habang naglalakad s'ya ay may narinig s'yang sumitsit sa kan'ya munit hindi n'ya ito pinansin at pinag patuloy lang ang pag lalakad.

"Miss! Pssst!" tawag sa kan'ya ng dalawang lalaki sa gilid n'ya. Hindi n'ya parin ito pinansin at binilisan n'ya ang paglalakad n'ya. Nakaramdam na din kasi s'ya ng kaba.

Hanggang sa..

"Ano ba!?" sigaw n'ya ng hawakan s'ya sa wrist ng isang lalaking naka jacket na sumisitsit kanina sa kan'ya. Ang isang lalaki naman ay hinawakan s'ya sa balikat. "A-anong kailangan n'yo?" may halong takot sa boses ni Stella habang tinitingnan ang dalawang lalaki. Mas natakot s'ya ng makita n'yang may baril na nakasukbit sa bulsa ng isa sa mga lalaki kaya hindi s'ya naka galaw.

Lalong dumagdag ang kaba n'ya dahil doon. Dala narin ng nakaraan n'ya kung bakit ganoon nalang ang takot n'ya ng makita n'ya ang baril.

Nag simula na s'yang Pangilinan ng luha sa takot. Nanginginig narin ang katawan n'ya.

"Oh? Nanginginig kana agad? Wala pa kaming ginagawa ah?" natatawang sambit ng isa.

"A-a-ano bang kailangan n'yo?" takot na tanong ni Stella at ngumisi naman 'yung isa.

"Maging mabait ka lang, hindi ka namin sasaktan."bulong sa kan'ya nung isa at hindi na n'ya napigilang mapa iyak.

***

The Scars in our Hearts ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon