Chapter 20:(Familiar)

914 33 15
                                    

Stella's POV

"Nakapag note kaba habang nag-mimeeting tayo?" tanong ni Sir habang pabalik kami sa kotse. Katatapos lang kasi nung lunch meeting namin.

"Opo, Sir.. ni hindi nga po ako naka kain ng ayos." mahinang bulong ko. Hindi ako masyadong nakakain dahil hindi ko naman alam na masyado palang madaldal 'yung mga kameeting ni Sir kaya ang dami kong ni-note.

"Okay.. ako na mag dadrive pabalik." sambit ni Sir sabay diretso sa driver seat.

***

"Nakakain ka ng ayos?" biglang tanong n' ya saakin habang nag-mamaneho s'ya. Nasa kotse na kami ngayon at pabalik na sa hotel. Gulat naman akong napatingin sa kan'ya sabay ngiti ng pilit.

"O-opo, Sir.. A-ang sarap nga po e." pag-sisinungaling ko. Pero ang totoo gaya nga ng sinabi ko kanina konti lang talaga nakain ko hehe.

"Ah Talaga?" tanong n'ya pa at tumango naman ako. Ang kulit ni Sir ah. "Then let's go to the food court." sambit n'ya at nagulat ako ng pinihit n'ya 'yung manibela pabalik.

"Pero sir--"

"No buts." pigil n'ya saakin kaya nanahimik nalang ako. Aish sabi ngang okay kang ako ih.

Maddy's POV

"Hmmm it's good to be back here in the Philippines." sambit ko pag kalabas na pagkalabas namin sa airport.

Walang nakakaalam na umuwi kame kaagad dito sa pilipinasa. Maski si Stel hindi n'ya alam na nandito na kaagad kami hihi kausap ko lang s'ya kaninang umaga. Balak namin silang isurprise hihi. Pati si Heidi hindi alam.

"Baby, saan bang hotel tayo mag-che check-in?" tanong ni Derrick habang nilalagay ang mga gamit namin sa compartment ng sasakyan.

"Sa D&N hotel sana.. Kaso wag na.. bukod sa makikita tayo ni Stella doon ay mas gusto kong mag-stay kina Mama." sambit ko at kita ko namang nag-pout s'ya.

"Paano ako? Saan ako?" nakangusong sambit n'ya kaya bahagya kong tinampal ang bibig n'ya.

"Malamang doon ka den. Mag-asawa na tayo 'diba?.. Saka wag ka ngang ngumuso ng ganyan para kang bata! Magiging tatay kana kung kumilos ka para ka paring bata." sambit ko. Lagi s'yang ganyan kapag mag-kasama kami. Hindi ko naman magawang magalit kapag gumaganon s'ya dahil bukod sa ang cute n'ya ay ang gwapo pa n'ya.

Nginitian n'ya ako sabay inakbayan at sumakay na ng kotse.

***

"Sigurado kabang okay lang na hindi natin sabihin sa kanila na nandito na tayo?" sambit n'ya at tumango naman ako.

"Wag kang mag-alala.. okay nga lang." sambit ko at tumango naman s'ya saka nagpatuloy sa pag mamaneho. Ako naman tumingin sa bintana.

Ilang taon na simula nung umalis kami dito sa pilipinas. Magbuhat kasi nung kinasal kami ni Derrick ay sa France na kami nanirahan. Madalang na kaming maka bisita dito dahil busy si Derrick sa trabaho. Hahahaha ako kase tambay lang sa bahay ayaw n'ya kong pagtrabahuhen kahit gusto ko. Ngayon pang buntis ako. Sigurado akong mabuburyong ako sa bahay.

Nakakamiss talaga dito. Lalo na sina Heidi at Stel nakakamiss talaga sila. Buti nga nandito pa si Heidi sa pilipinas at sa isang araw pa ang balik nila sa korea. Ayain ko kaya silang lumabas? Haha parang reunion ganon.

"Baby, ano kaya kung mag-reunion tayo?" tanong ko at nangunot naman ang noo n'ya.

"Reunion?" tanong n'ya at tumango naman ako.

The Scars in our Hearts ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon