Part 93- Beat

257 12 0
                                    



Blue points of view:

Naririnig ko ang putukan ng baril ngunit hindi ko magawang maidilat ang mga mata ko.

Ano bang nangyayari.

"Baby wake up." rinig kong sambit ng lalake.

Mikael? kaboses niya kasi ito.

"Come on Lorraine.. please wake up." nahihirapan na nitong pakiusap.

"Mikael." mahinang tawag ko pa dito.

"Baby, I'm here.." muli na naman nitong sambit kaya dahan-dahan ko ng minulat ang mga mata ko.

"Thanks God your awake baby." masaya nitong sambit bago ako mahigpit na niyakap. Ginantihan ko din siya ng yakap.

"How did y— .. pero di ko na natapos ang tanong ko ng may makapa akong malagkit sa likod niya. Mabilis akong napakalas sa pagkakayakap ko sa kanya at nanlumo na lang ako ng makita ko ang dugong umagos mula sa bibig niya.

"No!" nag-aalala kong sambit habang nakatingin na sa tagiliran niyang sapu-sapo niya. May tama din siya doon at alam kong tama din ng baril ang dugong nakapa ko sa likod niya.

"Mikael." naiiyak kong tawag sa kanya. "No.. please ...please don't close your eyes babe." pakiusap ko pa dito ng mag-umpisa ng pumikit ang mga mata niya. "H-help.. please help us!" natataranta ko pang tawag ng tulong kung may makarinig man sa akin.

"..dude!" rinig ko pang sambit ni Miguel ng makalapit ito sa amin kasama si Dew na duguan din ang hita pati na din ang pisngi nito.

"M-may t-tama siya.. Kelangan niyang magamot kaagad Miguel." tumulo ang luha ko habang sinasabi iyon sa kanya. "Please... please do somethin' .. we need to hurry.. please." nanghihina ko pang pakiusap habang mariing hawak ang kamay ni Mikael.

"Baby don't worry.. k-kaya ko pa." nahihirapang sambit naman ni Mikael sa akin.

"Dude." nag-alalang tawag din ni Jeric dito. "fvck!" mura pa nito ng matignan ang tama ni Mikael. "We need to finished this fucking bastard!" muli nitong pinaputukan ang mga kalaban na nasa labas ng kwarto kung nasaan kami ngayon.

Napabaling ako kay Ivory na hawak-hawak ang balikat niya. Kita ko ang pag-agos ng dugo doon habang nakikipagbarilan siya sa mga kalaban sa labas.

Si First naman ay ganoon din ang ginawa at kahit papaano ay nakahinga ako dahil wala itong tama sa katawan.

"Blue." tawag ni Ivory sa akin bago ako hagisan ng baril. "We need to kill them para makaalis sa islang ito." pasigaw niyang sabi habang binabalingan ng tingin si Mikael.

Mabilis kong dinampot ang baril na hinagis niya. Napalingon pa ako sa kamay ni Mikael na mariin pa ring nakahawak sa kabilang kamay ko.

"Just a minute Mikael.." sambit ko pa dito na ikinariin pa ng hawak niya sa kamay ko.

"Babe.." nag-aalalang tawag pa nito sa akin.

"Don't worry hmm?.. makakaalis tayo ng ligtas sa lugar na ito." buong loob kong sambit bago bitawan ang kamay niya.

"Ivory, Dew, First." tawag ko sa pansin ng mga babaeng kasama ko. Tumango naman sila sa akin.

Mabilis kong binuksan ang pintuan ng kwarto at tsaka pinaulanan ng bala ang mga tauhan ni Hiroshi na nasa labas. Ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko. Naging back up ko sila habang isa-isa kong binabaril ang mga taong nasa harap ko. Si Ivory ang nasa kanan ko habang si Dew ang kaliwa. Si First ang nasa likod. Isa-isang natumba ang lahat ng tauhan na nakapalibot sa amin.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon