[21]
ROSHAN HOPE’S POV
“Ma, im sorry”
Naiyak ako, sa harap ng magulang ko. Humihingi ako ng kapatawaran sa nagawa kong kahihiyan.
Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lahat ng tapang ng loob ko para sabihin ko sakanila ang totoo, tumawag ako sakanila kagabi para sabihing umuwi sila ngayon, dahil gusto kong malaman nila ang pinagdadaanan ko. Sa lahat ng tao sa mundo, pamilya ko lang ang higit na makakatulong sakin.
“Anak…” niyakap ako ng Mama ko, pero si Papa, nakaupo lang siya sa sofa at hindi nakibo. Seryoso ang mukha niya mula kanina pa
“Alam mo ba ang consequences ng nagawa mo?” isang maawtoridad na tono ang pumukaw sa atensyon namin ni Mama.
“Pa…”
“Sagutin mo ko”
“Opo… alam ko po at handa po akong harapin yun, mali man po itong nangyayari sakin, gusto kong maging tama to sa pagbuhay sa batang to’ hindi man katalinuhan ang ginagawa ko ipagpapatuloy ko dahil ito yung tama…”
Sa mga oras na to’ hindi na ko takot sa kahihinatnan ko. Bakit? Kasi nakikita ko ngayon na… Nakangiti ang mga magulang ko, Unrealistic na kung unrealistic pero sa simpleng ngiti nila parang tinulungan na nila akong pasanin ang mundong hawak hawak ko. Magiging ayos ang lahat dahil kasama ko sila at alam kong dadamayan nila ko.
“Wag mong iisiping umalis sa bahay na ito, tanggap ka naming kahit ano pa mang mangyari anak” sabi ng papa ko
Walang anu anoy nayakap ko sila, ang saya saya ko! Akala ko magkakaroon pa ng World War 2. Naging open minded ang parents ko sa sitwasyon ko
“Anak..?”
Humiwalay ako sa yakap ko sakanila at humarap, ramdam ko sa boses nila na mahalaga ang itatanong nila kaya naman sumeryoso ako ng mukha
“Sino ang ama ng bata?” tanong ni Mama
Si papa, nagaabang din ng sagot ko. nahihiya akong biguin sila pero hindi ko kayang sagutin ang katanungan nila … mahirap. Mas mabuti pang hindi na lang nila malaman. Umiwas ako ng tingin. Mukha namang nalaman nila ang gusto kong ipahiwatig. Hindi na nila ako pinilit na magsalita.
Pagkatapos ng usapan naming, pinaakyat nalang nila ako sa kwarto para makapagpahinga. Sinabi din nilang ihohome schooling nalang ako hanggang matapos ko ang isang sem na to, at pagkatapos nun ay pagkapanganak ko na ang 4th year ko.
Nakakatanggap ako ng mga message galing kina Icy at sa iba pa naming kabarkada, sinabi na ni Jayu sakanila ang kalagayan ko. mas maige ng hindi ako naglilihim, hindi naman talaga ako malihim na tao simula pa noon. Kinakamusta nila ang kalagayan ko, pero wala talaga ako sa mood magreply, Matutulog na lang ako.
Nagising ako sa ring ng cellphone ko.
Icy Calling…
“Hellllllloooo?” *yawn*
(“sorry bru! Nagising yata kita! Hehehhe”)
“Baliw… ayos lang!! ano atin? Bakit ka napatawag?”
(“just checkin at you, how did it go sa kina Tita?”)
“Ayun… naging maayos naman tanggap nila, at tutulungan nila ko… hindi na nga pala ako papasok, magpapahome schooling ako”
(“Spell am boring nun! Parang di ka college!”)
“mas maige nay un nuh! Iwas chismis! Hehehehe Ayokong maglihi sa sama ng loob ang anak ko nuh!”
BINABASA MO ANG
Go for the Gold [completed] .cc.
Teen FictionNagsimula lang naman to sa pesteng ulan na yun e… kung sana hindi na lang ako na- stranded sa baha edi sana hindi nasakit ang ulo ko kakaisip at ang puso ko kakaintindi at kakamahal sakanya. Pero masisisi ko nga ba ang ulan kung iyon na talaga ang n...