*FINALE*

2.5K 56 1
                                    

|025|

“Mare! Ano ba? Kibo kibo naman!!! Tulala ka pa din! Di ka pa din makaget over?!” tinapik tapik na ko ni na Icy. 

Kanina lang pinakilala ko kay Maeve ang Daddy niya, ako nga yata ang nagulat dahil ganoon ang reaksyon nito, very casual. Lumaki talagang mature ito, ngayon nandun sila sa garden at naguusap… nagbobonding.

Pero sa mga pangyayari, ang mas nakakagulat ay… mas may pakialam siya sa anak niya. Oo, anak niya nga pala yun… anak namin.

Nalulungkot ako?

Oo…

Dahil hanggang ngayon napagtanto ko na hindi niya padin ako kayang mahalin, pero buti na lang tanggap niya ang anak namin.

Kahit anak na lang namin…

Hindi lang siguro ito ang inaasahan ko na mangyayari pag nagkita ulit kami, akala ko… minahal niya ko, o mahal niya ko. Pero ngayon alam ko ng kung babalik man siya sa buhay ko, yun ay dahil sa anak namin… hindi dahil sa salitang “pagmamahal”

Naririnig ko ang halakhak ng mag-ama

Nakakaligaya itong pakinggan pero

May parte parin ng puso ko ang naghihinagpis.

“Can you stop what you are doing?” Nakapamaywang si Dim, habang nakatingin sakin

“I am not doing anything”  sagot ko

“Nakakainis ka bru! Para kang aning!” pahayag ni Icy, hinarap niya na ulit ang pagluluto sa kusina at iniwan kaming tatlo sa dining area

“Friend, pwede ba maging Masaya ka na lang dahil tanggap niya si Eve, at hindi naman siya aagawin ni Gold sayo” sabi ni Jayu .. trying to calm me up

“pero hindi naman yun ang iniisip ko ----“ sagot ko

“ E ANOOOO?” sabay sabay nilang sabi, lumabas nap ala ulit sa kusina si icy at heto na naman silang tatlo nakapalibot sakin

Tumungo ako at sinabing “ngayon alam ko na… na yung pagmamahal na hanggang ngayon nasa puso ko padin, hinding hindi na masusuklian”

“Bru….” May himig din ng pagkalungkot an gmga ito pagkatapos niyang magsalita

Parang naging gloomy ang atmosphere.

“Mom!”

Napalingon kami sa pinto ng dining area, nandoon pala sina Maeve at si Gold, nagtatakang nakatingin samin

“Any problem?” tanong ng lalaki

“Nothing” walangganang sabi ni Dim “tara sa labas!! Ipasa mo na sa katulong niyo yang pagluluto Icy!” dagdag pa nito. Agad namang tinawag ni Icy ang isang katulong at hinabilin ang dapat ihabilin saka nila ko hinigit palabas.

Nagdadatingan na din pala ang iba nilang kaibigan, nagsimula na ang maliit na salo salo…

Puro kamustahan, kung ano ano na nga bang narrating ng bawat isa…

Pagbabalik tanaw sa mga alaala ng nakaraan….

Masaya man o malungkot…

Pero sa isang bahagi ng puso ko,… hindi parin maalis ang kalungkutan. Dahil sakanya

Naglakad lakad ako papunta sa likod na bahagi ng bahay kung saan may isang hindi naman kalakihang pool.

“Are you having fun?” tanong ng isang pamilyar na boses, ang boses na kay tagal ko ng inintay

“Yes, you?”sagot ko habang nakatalikod parin sakanya

“Thank you for introducing me to my child… to Eve”

Go for the Gold [completed] .cc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon