Chapter 22

1.4K 23 0
                                    

[22]

Ito na ang araw.

Ang araw na pinakaiintay ko.

Ang araw na iiwanan ko ang lahat.

Ang araw na babaguhin ko ang buhay ko kasama si Dimitri.

Ang bilis lang lumipas ang araw. Pagkatapos kong sumagot ng Oo, isang lingo na lang pala ang itatagal ko sa bansang ito. Mahirap man lumayo pero kailangan.

Ang lalaking dapat sana ay kasama ko kung naging maayos ang lahat ay, pinagtaguan ko o talagang hindi niya ko hinanap. Dito na yata nagtatapos ang one-sided love ko, ang ending ng love story kong ako lang ang nakakaalam.

Iwanan ko man siya…. May babaunin naman akong alam kong akin. Ang anak ko… namin.

“magiingat kayo dun ha! Dadalaw din kami minsan!” pangiyak ngiyak na pagpapaalam ni Icy, Si Jayu naman halatang nagpipigil ng luha.

Sina Jayu at Icy lang ang mga kasamang maghahatid samin sa airport at ang mga magulang ko. Mas mahirap mamaalam.

“Anak… wag mong papabayaan ang sarili mo. Dim ikaw na ang bahala sakanila ha”

“Opo Tito, Tita… wag po kayong magalala”

Nang tawagin na ang flight namin, halo halong emosyon ang naramdaman ko pero may isang nangibabaw. Panghihinayang. Nanghihinayang ako dahil hindi man lang kami nagkaayos… sana kahit magkalayo kami hindi niya ko kalimutan dahil ako, hindi ko siya makakalimutan.

Paalam, Eulo Gold Perez”

Lyncon’s POV

“Pare naman! Umayos ka nga!”

Nandito ako ngayon sa condo ni Gold. Pinipilit siyang bumangon at maligo dahil ilang araw na siyang nagiinom ng walang tigil, hindi man lang naawa sa liver niya.

Alak – sigarilyo - Alak – sigarilyo… paulit ulit na lang siya!

Mula nang malaman niyang ayaw siyang makita ni Ros nagkaganyan na siya, narealize na yata niya ang kagaguhan niya. Tapos nalaman pa niyang umalis na ito ng bansa kahapon kasama ang isang kaibigang lalaki na hindi man lang sinasabi samin kung sino at ano ang pangalan. Gilfriend ko at kaibigan ko pinaglilihiman ako, para lang kay Ros. Mas maige na daw na wala kaming alam kesa naman guluhin pa namin ang buhay ni Ros ngayon.

“Pa---reeee! Anoooo ba! Natutu-log ako!” sigaw ni Gold, sabay bato ng unan na hindi naman tumama sakin kundi sa mga boteng nakakalat kung saan.

“Ganyan ka nalang ba lagi? Hindi mo ba aayusin ang buhay mo? Wala na si Ros, at kagagawan mo yun, mas inuna mo kasi yang pagibig mo sa taong hindi ka naman mahal, kesa sa taong handang ibigay ang lahat sayo.. ayy saglit! Nabigay na pala sayo! Gagoooo* ”

Alam kong nakasakit ang mga sinabi ko dahil bigla nalang nitong hinigit ang kumot niya para takpan ang sarili, ganito siya lagi… tuwing gusto niyang mapaluha. Lagi siyang nagtatago, pero ako nakikita ko siya, parehas lang kami.

 Niligpit ko na lang ang mga kalat sa kwarto niya at napagpasyahang lumabas na muna ng kwarto. Kelangan pa nga siguro niyang magisip. Saka ko na lang siya kakausapin.

Ringgg….ringggg…

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa center table at tiningnan ang Caller.

Icy My love…

Dali dali ko namang sinagot ang tawag.

“Hello?”

(“Kamusta na si Gold?”)

“Hindi siya ayos, naglalasing padin siya. Kung sinasabi mo kaya sakin kung nasaan si Ros, edi sana napuntahan na namin”

Go for the Gold [completed] .cc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon