Pangako Ko'y Ikaw

4 0 0
                                    

Ika’y nakilala sa mundong walang kasiguraduhan.

Walang kasiguraduhan kung totoo ba ang pag-ibig na iniaalay.

Walang kasiguraduhan sa mga nakikita.

Walang kasiguraduhan kung ikaw nga ba ay totoo.

Sapagkat ang mundo nati’y magkaiba.

Hindi katulad ng karamihan.

Sa ating unang pagpapakilala,

Tayo’y nahihiya ng lubusan.

Lumipas ang ilang araw,

Tayo’y nagkasunduan.

Nagkasunduan sa lahat-lahat.

Ngunit ako’y nahulog sa hindi inaasahang pagkakataon.

Ako’y nahulog sa hindi inaasahang tao.

Ako’y nahulog sa taong dapat kaibigan ko lamang.

Ako nga ay tuluyan ng nahulog sa iyo ng lubusan.

Maaari bang sabihin?

Aking nararamdaman para sayo?

Maaari bang umamin?

Na ika’y mahal ko na?

Ngunit ako’y natatakot.

Natatakot sa pwedeng maging kahinatnan.

Kaya narito ako.

Narito lamang para sayo tuwing ika’y nag-iisa.

Narito lang ako kung kailangan mo.

Narito lang din ako sa pagaakalang ako’y kaibigan mo lamang.

Ngunit mas higit pa rito ang nararamdaman ko sayo.

Mas higit pa dito ang pagmamahal na pwede kong ibigay.

Mas higit pa dito ang pagtingin ko sayo.

Dahil ako’y naghahangad ng iyong pagmamahal rin.

Pagmamahal na katulad nang akin.

Pagmamahal na higit sa magkaibigan.

Ngunit anong aking magagawa?

Anong magagawa kung hanggang kaibigan lang iyong turing sa akin?

At wala akong balak.

Wala akong balak ipaalam ang nararamdaman kong ito.

Wala akong balak ipagsigawan sa mundo at tao na ika’y aking minamahal ng lubusan.

Wala akong balak sirain ang meron tayo ngayon.

Wala.

Dahil alam kong di ko kakayanin.

Kung ano ang maging kahihinatnan.

Takot ako sa pwede mong sabihin.

Takot ako na magbago ang iyong pakikitungo sa akin.

Takot akong mawala ka ng biglaan.

Takot akong masira ang pagkakaibigan na ating sinimulan.

Takot akong iwan mo ako ng walang paalam.

Kaya heto ako.

Heto ako pilit tinatago ang nararamdaman para sayo.

Heto ako naghihintay sa hinaharap.

Nagbabasakaling pwede na tayo.

Heto ako patuloy na mamahalin ka ng patago.

Kahit masakit kakayanin.

Kahit lumipas pa ang taon,

Ako’y maghihintay sa tamang oras para sa ating pagmamahalan.

Dahil kung tayo’y para sa isa’t-isa,

Magtatagpo ang ating landas balang araw.

Ako’y naniniwala at nagdadasal sa Panginoon,

Na ika’y akin,

At ako’y para sayo.

Ito’y aking pangako.

Pangako, ikaw lamang,

Ang pangakong hinahangad kong tuparin.

Pangakong hinding-hindi ko papakuiin.

Pangakong hihingiin ko araw-araw.

Pangakong pinakanais kong tuparin at matupad.

Laging tatandaan,

Ikaw lamang at wala ng iba.

Lista de PoesíaWhere stories live. Discover now