(ok....sorry po kung natagalan ako sa update na ito....super busy kasi...wala na talaga akong tym para magsulat.....anyway heto na po ang chapter 6....sa chapter pong ito at sa susunod pang chapter ang mismong character na po ang magsasalaysay ....)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 6
Zaiden's POV
Nandito ako ngayon sa loob ng room ng basketball team. At syempre badtrip pa rin sa nanyari kanina. Sino ba naman ang hindi? Babanggain ako tapos sasabihing nakaharang ako sa daan. Ang tapang talaga ng babaeng yun. First time pa lang na may matapang na kumontra sakin.
''Kung makikita ko ulit ang babaeng yun, humanda siya!'' sabi ko sa sarili na naiinis pa rin.
Mabuti sana kung kaming dalawa lang eh sa maraming tao pa. Tatanga kasi ang babaeng yun. Well inaamin ko maganda talaga siya at mukang suplada. Siguro baguhan lang yun. Hindi yata ako kilala. O baka naman taktika lang talaga niya para magpapansin.
Hay! ang mga babae talaga, gagawin ang lahat mapansin lang.'' sabi ko ulit na nag-iiling.
Iisang babae lang ang natatandaan ko na hindi ako pinansin noon. Pero naging malapit rin naman kami sa isa't-isa kaya nga lang sa maikling panahon lang. At hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makakalimutan.
Flashback
9 years na kaming nakatira dito sa States at syempre dito na rin ako ipinanganak. Only child lang ako kaya wala akong palaging kasama sa house dahil nagtatrabaho ang parents ko.
Nandito ako ngayon sa isang party kasama ang mga magulang ko. Ang raming mga bisita. Eh puro lang naman matatanda. Wala yatang bata na ka-age ko.
Nahagip ng panigin ko ang isang batang babae. Nilapitan ko siya.
''Hi!'' hinanda ko agad ang genuine smile ko.
Grabe ang suplada pala niya hindi ako tinapunan ng tingin. Nakayuko pa rin siya.
''Hi! What's your name?'' ulit ko.
Hay! For the second time hindi pa rin siya umangat ng tingin.
''Ang tahimik mo naman. Pipi ka ba?'' wala pa ring sagot.
''Oi pansin mo naman ako. Ang suplada mo naman''
Yon! at sa wakas tumingin sya sakin. Kaya nga lang galit ang itsura.
''Hindi ako pipi! paki-alam mo kung suplada ako.'' ismid niya.
N''akakapagsalita ka naman pala. Sorry. Hindi ko sinasadya.''
Napansin kong maganda pala siya. Ang ganda ng mata niya. Brown eyes. Maputi rin. Sigura 2 years ahead ako sa kanya.
Ako pala si Zai! Ikaw anong pangalan mo?'' Panimula ko sabay lahad ng kamay.
Tingnan niya lang yon at nagtaas ang tingin niya sa mukha ko. Biglang lumitaw ang dimples niya. Ngumiti siya! Ang gandaaaaaaa niya.........
''Nice meeting you Zai! i'm Emz!'' ngiting sabi niya sabay lahad ng kamay.
Ang ganda mo pala kapag nakangiti.
Ilang sandali ay nakwentuhan kami. About sa family namin. At umabot pa nga sa favorite hollywood actress at actors.
Natapos ang party na kami lang ang dalawang nag-uusap. Ibinigay niya sakin ang home address niya para magkasulatan kami kung minsan.
-End of Flashback-
''Hay nasaan na kaya siya ngayon?'' tanong ko sa sarili.
Simula noon ay patuloy kaming nagsulatan hanggang sa hindi na siya nagrereply sa sulat ko. Dahil lumipat kami noon sa Spain. Pero patuloy ko pa rin siyang sinusulatan hanggang sa wala na talaga akong matanggap na sulat galing sa kanya. Naghintay ako ng naghintay pero wala talaga.
Parang tanga ako noon. Kahit na bata palang kami nararamdaman kong mahalaga siya sakin. Hanggang sa dumating ako sa edad na ito hindi ko pa rin siya makakalimutan. 7 years old pa lang sya nun at ako naman ay 9 years old na. Kahit pilit ko siyang ibinubura sa isip at puso ko pero parang walang balak ang mga yon na burahin. 10 years na rin ang lumipas.
Panu natutuhan ko na siyang mahalin kahit sa sulat lang kami may komunikasyon.
Siya lang ang First at Last Love ko. And no one can replace her.
---star princess
BINABASA MO ANG
The Kpop Star meets the Star Player (Slow Update)
FantasíaPaamo kung ang sikat na STAR PLAYER hahanga at ma-iinlove sa KPOP STAR? Paano kung ang takot ulit masktan na KPOP STAR ay ma-iinlove sa star player? Ang problema nga lang ay mukang hindi maganda ang simula? At ito pa paano kung darating ang isang ar...