Chapter 9 *(*Performance*)*

112 5 4
                                    

This day is the election of clubs and organizations officer in the whole university. That’s why the DEAN really prepared all of this just for the students of the St. Clement University.There are so many performances that will be showed later. Halos mabingi ako sa sigawan ng mga estudyante. The show began a while ago.

‘’Ahhhh...’’ nagulat ako sa tili ni Gellyca, isa sa mga co-member ko. Syempre kasama ang iba pang performers. Nakasilip ang mga ito sa buong stadium. Nasa backstage kasi kami ngayon kaya kitang-kita ang lahat ng nangyayari.

‘’Ang gwapo talaga nila’’ Dagdag pa ni Caitlyn habang hawak ang mukha as if nagbablush. Ang ingay na nga ng buong stadium dinadagdagan pa nila. Ang iba naman na performers ay naka-upo lang at kagaya ko na halatang walang balak makisilip. May natitira pa palang katulad ko.

‘’Oh my gosh! Guys pumasok na ang basketball team’’ agad napalingon ang mga naka-upo at bakas sa mukha ang excitement. Ilang sandali lang ay wala na ang mga ito sa harap ko. Hindi makadantuto ang mga ito sa kakasilip sa stadium. Aba! Akala ko wala silang balak na makisali yun pala meron din. Narinig lang ang pangalan ng basketball team parang mga paro-parong nagsiliparan.

Hay naku! Ano ba ang makukuha nila dyan. Eh puro lang naman mukha at galing ang pambato ng mga yon. Pero ang ugali saksakan naman sa kasamaan. Mga playboy pa. Kabila-kabila ang mga chicks. Wala ng pinapatawad pati mga inosente pinapatulan. Kaunti na lang yata ang katulad ko na hindi tinatablan ng charm ng mga lalaking iyon. Eh bakit pa kasi nilikha sila. Siguro ng magtapon ang diyos ng kasamaan na salo nilang lahat. Hay buhay!

At ito ako ngayon mag-isang naka-upo. Nakatingin lang sa kawalan. Paano nilayasan nila ako. Hmmp.

‘’O Misch why don’t you join them? They are now taking a peek to their crushes.’’ Napaangat bigla ako ng mukha sa nagsalita. Si Ma’am Celestine pala. Nakangiti siya sakin na parang sinasabing: pasensyahan mo na ang mga yan 10 years na hindi nakakita ng lalaki.

‘’Mabuti sana po kung KPOP stars ang mga yan. Hindi lang ako sisilip kundi lalapitan ko talaga sila at dudumugin.’’ Sagot ko na lang  sabay ganti ng ngiti.

‘’Hahahah, ikaw talaga. Hanggang kailan ka magkaka-interesado sa hearthrobs ng university na ito?’’ tinawanan talaga ako ni ma’am. Tinanong nya pa eh alam niya naman ang sagot. Itong si ma’am talaga inuungkat talaga ang nakaraan. Siguradong tutuksuhin na naman ako. Haixt.

‘’Ma’am naman! Wag niyo na po akong tuksuhin ngayon. Alam niyo naman yon di ba? At saka baka mamaya niyan hindi na ako makakaperform....’’ parang nagtatampong sabi ko at syempre nandun na rin ang pagbabanta sa tinig. Parang ate na ang turing ko sa kanya. Kasi kung may problema ako sa kanya ko isini-share at humihingi ng payo at hindi rin ako nabibigo. Siya lang kasi ang nakaka-intindi sakin.

‘’Haha, ok ok! I forgot! Don’t worry I won’t tease you right now’’ ngumiti pa siya sakin ng nakaloloko. At the age of 35 infairness ang ganda niya pa rin at single. Nagtataka nga ako bakit wala pa siyang asawa eh marami namang nagpapalipad hangin sa kanya. Ganyan ba talaga pagtakot masaktan?

Napatingin ang lahat sa TV screen ng tawagin na ang pangalan ng grupo namin. Ang mga co-members ko ay dali-daling naghanda. Akala ko hindi na sila aalis sa kinatatayuan nila at hindi na magpeperform. Tsk tsk ang mga babae talaga. Siguradong magiging successful ang performance namin ngayong gabi. Halata kasi sa mukha ng mga co-members ko na siguradong ibibigay ang best sa pagpeperform. Panu na kita ang ‘’inspiration’’.

‘’Gud luck GG!’’ sabi samin ni Ma’am Celestine bago kami lumabas.

‘’Thank you ma’am!’’ we said in chorus. Huminga ako ng malalim.

Biglang dumilim ang buong paligid bilang hudyat na lalabas na kami ng backstage at pumuwesto na. Tanging ang kinaroroonan lang ng emcee ang may ilaw.

The Kpop Star meets the Star Player (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon