Chapter 1: FIRST DAY OF SCHOOL

500 22 5
                                    

Chapter 1: First Day Of School

“For me you’re the most beautiful girl I’ve ever met. And I love you.”

Waaaaahhh!!!! Kilig na kilig naman daw ako. Namumula na ako sa sobrang kilig, pero nakatingin lang siya sa akin ng seryoso tapos palapit pa siyang palapit. Nako!! 5 inches nalang ata ang distance naming. Kitang kita ko ang buong detalye ng mala-anghel at gwapo niyang mukha.

“Kiss me”  WTF?! Nasabi ko yun?.Pero ito na malapit na ang mukha niya. Hahalikan ba niya ako?.

“Wait lang Jake, bakit parang ang baho ng hininga mo?”

“Arf! Arf!”

“Ngek! Bakit ka naman tumatahol? Wag mong sabihin na naging aso kana.”

“Ahahahahahahahahaha”

Bakit may tumatawa? Nung minulat ko  na ang aking mga mata. Hala! Ewwwwww!

Noon ko lang napansin na si Mr. Doggy Buddy pala ang hinalikan ko. Yuck! Kaya pala ang baho ni Mr. Dreamboy kanina.

Tapos itong si Phoebe tawa parin ng tawa.Grrrrrrr!

“What the---, may kinalaman ka ba dito ha?!” galit na ako nung sinasabi ko yan

“hehe peace! ^_^v”-Phoebe

“Bruha ka! Bakit mo naman yun ginawa?”

“Eh sabi mo kasi “kiss me” Bruhang to ginaya pa niya pananalita ko.

“Eh bakitsi Mr. Doggy Buddy ang pinahalik mo sa akin? Sa dinami-rami ng  pwedeng ipahalik sa aso pa! Huhuhu T_T aso ang first kiss ko”

“Ahahaha! Bago yun ah, first kiss na nga sa aso pa.”-Phoebe

Bruhang to tawa parin ng tawa, eh siya nga ang may kasalanan nito eh. Kainis siya!

“Che! Manahimik ka ngang bruha ka! Kasalanan  mo to eh. AIHETCHU!!!”

Sigaw ko sakanya. At  ayun mukhang natakot, nagtatakbo palabas ng kwarto ko ang bruha. Pero bago pa siya tuluyang makalabas ng kwarto.

“HUMANDA KA SA AKIN MAMAYA!” pahabol  ko, galit na ako eh. The fact na naaalala ko na aso ang first kiss ko. Kyaaaah! Kainis!!

“Hannah! Bumangon kana nga dyan at baka ma-late pa kayo sa school.”  sigaw sa akin ni mudra este mama.

Oh mamaya nalang ako magpapakilala sainyo, baka ma-late na ako eh.

*****SCHOOL*****

Nandito na kami ngayon sa school at dahil sa firsty day palang naman, eh di syempre di muna ako masyadong nagdala ng maraming gamit dahil sa pagkaka-alam ko puro pagpapakilala lang naman ang gagawin namin.

Pumunta na kami sa Room 302, dun yung magiging classroom namin eh. Bilis naman naming naka-punta kasi memorize ko naman na kung saan yung mga rooms dito eh. For 3 years ba naman na dito ako nag-aral, so that means 4th year student na ako ngayon. Yehey! 1 year to go, graduate na ako.

Pumasok na kami ng room. Hmpf! Wala pang masyadong tao.Madami pang vacant seats kaya sa may 3rd row nalang kami umupo.

After 5 minutes ng paghihintay, sa wakas kumpleto na kami pati si Ma’am andito narin.

“Good morning Seniors! So 1 year nalang at graduate na kayo. Ako nga pala si Mrs. Emily Corpuz, adviser niyo at the same time Pre-Calculus teacher niyo.Tutal first day of school palang naman, alam niyo na siguro kung ano muna ang gagawin natin? Ok, so umpisahan nalang natin yung pagpapakilala mula kay Ms. na nakaupo sa harapan”

Tinuro ni ma’am yung babaeng naka-upo sa may pinakaharap.

“Hi! Ako nga pala si NamiChul---- blah blahblahblahblah..”

Di na ako nakirinig sa mga sumunod na sinabi niya masyado ng mahaba kasi ang pagpapakilala niya.

Sunod sunod na silang nagpakilala hanggang sa ako na ang susunod.

Papunta na ako sa harap. Nang biglang may pumasok sa room na lalaki. Psh! Mukhang suplado at mayabang!

“Oh! Mr. Villaluz, late ka for the first day of school?” pagtatanong ni Ma’am dun sa bagong dating.

“Pakialam mo ba? Psh!” mayabang naman sa sagot nung lalaki.

Grabe naman to oh ang sama ng ugali pati teacher di man lang ginagalang. Kala mo kung sino naman.

“oh! Anung tinitingin tinginmo? Wag ka ngang tumingin para kang tanga dyan!” biglang saad naman niya.

What the--- ako ba yung kinaki-usap niya? Tumingin ako sa gilid gilid ko pati sa likod ko, tapos tinuro ko pa ang sarili ko nang maka-sigurado.

“Ako?.”

“Tanga ka ba o bulag lang? Syempre ikaw nga, sayo ako nakatingin diba? Psh!” Okay, he really is getting on my nerves.

Halatang tinginan na lahat ng tao dito sa classroom sa amin pati si ma’am.

“Grabe ka namang makapag—“ di pa ako tapos eh, nagsalita na si Ma’am.

“Stop that nonsense! Mr. Villaluz just take a seat at the back. And Ms. magpakilala kana.”

Papunta na ako sa harap ng makasalubong ko si Mr. Sungit (yun na ang tawag ko sa kanya simula ngayon). Ang sama ng tingin niya sa akin. HALA! Kung nakakapatay lang ang ganon na tingin malamang kanina pa ako patay.

Pero di ko nalang siya pinansin, bahala siya!

“Hi good morning! I’m Hanna Keum!”

“Psh! Anong good sa morning.”

Syempre sino pa ba, eh di syempre si Mr. Sungit. Yabang niya talaga! Umupo naman na ako pagkatapos kong magpakilala. Tuloy tuloy parin yung pagpapakilala hanggang umabot na kay Mr. Sungit.

Tumayo lang siya sa may upuan niya.

“Nathan Villaluz” yun lang ang sinabi niya tapos umupo na siya.

Eh sinong walang kagana ganang nagpakilala ngayon. Psh!

Sa mga sumunod na subject din namin puro pagpapakilala lang.

At sa wakas uwian na! yehey!!

Kaya ito lakad mode pauwi, hmmftt! Mag-isa lang akong naglalakad ngayon wala si Phoebe may bibilhin lang daw sa mall.

Lakad………lakad…………..lakad………..

Beep!

Beep!

Napatalon pa ako sa lakas ng busina ng sasakyan! Kaya napatingin naman ako dun sa kotse at ayun nakita ko si Mr. sungit, nakangisi pa! Aishhh!!!!

“Huwag ka ngang humarang sa daan!” pagkasabi niya pinaandar na niya ang sasakyan niya.

“Bwiset ka talaga! Walangya ka!” pahabol na sigaw ko sa kanya

Grrrrrrrrrrrrrrrrr!!!!!!!!!!!!!! Bwiset talagang lalaki yun!!! Rawr!! ( nagiging tiger na naman ako… halaaaa!)

Mukha na ba akong mataray?..... well hindi ako mataray ahh, grabe lang kasing kamalasan at kabadtripan ang nangyari sa akin ngaun.. pero to tell you, mabait din naman ako eh ^_^v. At NapakaCUTE pa. XP

Mr. Sungit Strikes AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon