Chapter 14: The Best Day

96 7 1
                                    

Chapter 14: The Best Day

Two weeks na ang nakakalipas after nung presscon namin. Kahit rin nalaman na nilang babae ako, hindi parin nagbabago yung turing nila sa akin, kung tutuusin nga eh mas bumait pa sila sa akin ngayon lalo na si Jake at Jeremy. Malay ko pero this past few days ang sweet nila sa akin tapos parang nag-aagawan pa sila sa atensyon ko. Hindi  kapani-paniwala noh? Malay ko rin sa kanila kung bakit ganyan yung kinikilos nila.

Tapos si Nathan, hindi ko alam kung epekto ba to ng climate change, pero kasi ang bait narin niya, tapos nagiging sweet narin siya? Malay, di ko sure kung nagiging sweet na nga ba siya o hallucination ko lang yun pero kasi ganito yun.

Lalagyan ko pa ba ng Flashback? Hay, arte pa, basta kwento ko nalang.

Nasa kusina kaming dalawa nun tapos kumakain ng ice cream-cake, wala sina Jake at Jeremy kasi may photo shoot sila nun. So ayun nga kumakain lang kami nang bigla akong nabulunan kasi napalaki yung sinubo ko. Tapos siya naman dali daling kumuha ng tubig tapos PINAINOM niya ako, yung tipong imbis ibigay nalang niya sa akin yung baso ng tubig eh sya na yung naghawak nun tapos pinainom sa akin. Habang umiinom ako nararamdaman ko pa yung paghampas, joke! Ano bang term dun, hagod? Hay basta, so ayun nga ramdam ko yung paghagod niya sa likod ko

“Ok kana?” pagtatanung niya. Napatango nalang ako bilang sagot kasi nga hindi ko alam kung anong ire-react ko. Susubo sana ako ulit nang bigla na naman siyang nagsalita.

“Oh. Ang laki na naman ng subo mo, mabubulunan ka na naman niyan. Ganito lang kasi.” Pagkasabi niya nun kumuha siya ng konting ice cream-cake sa baso niya tapos inabot niya sa akin.

“Ahh” sabi niya akmang isusubo sa akin. Ako naman nakatulala lang kasi naman hindi ko alam kung kakainin ko ba o hindi. Malay ko ba kung niloloko lang niya ako. Kaya naman nung ang tagal kong magreact bigla niyang isinubo sa akin.

Mukha na siguro akong timang nun kaya tinawanan niya ako, kaya nakitawa narin ako. Hoy! Hindi ako baliw ah, nakitawa rin ako kasi may ice cream sa may pisngi niya. Nagtatawanan lang kami nung bigla siyang tumayo at umalis na namumula yung cheeks niya. Nagba-blush ba siya? Hay imposible naman, tinopak na naman ata. Tss!

So ayun, anong tingin niyo? Bigla naman akong napatigil sa pag-iisip nung may nareceive akong message. Pag tingin ko siya pala.

From: Mr. Sungit

Hoy! Asan kana? Baka, bilisan mo nga!

(Note: ‘Baka’ means stupid)

To: Mr. Sungit

Oo na, sungit!

Naalala ko lalabas pala kami ngayon, may sasabihin daw kasi siya. Hihihi. So ayun, lumabas na ako sa bahay na pinagtitirhan namin ng band, tapos nakita ko siyang naghihintay sa labas ng kotse niya.

Hay! Kung hindi lang dahil sa ugali niya, siguro nagustuhan ko na siya, ang gwapo niya eh. Ano ba tong iniisip ko. Erase. Erase. Kunwari wala kayong nabasa, araseo?

“Ang bagal mo. Sakay na” tss! Utos pa po, ano ako? Alila?

Mr. Sungit Strikes AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon