Chapter 13: BUSTED (part 2)

73 6 3
                                    

Chapter 13: BUSTED (part 2)

“Ang ganda naman ng skin mo parang sa babae”

“He-he?” yun nalang ang naisagot ko kay Miss Jean habang inaayusan niya ako para sa presscon namin mamaya. Ilang minuto lang at tapos narin niya kaming ayusan.

“Tara na!” masiglang sbai ni Miss Jean at lumabas na kami papuntang venue ng presscon. Pagkarating namin dun umupo na kami at tulad ng inaasahan, ang dami na namang mga reporters at photographers. Hay!

Ilang sandal lang at nag-umpisa nang magtanung ang mga reporter.

“Anung masasabi niyo sa balitang nag-number 1 na naman sa music chart ang bago niyong kanta?”

 

“May pagkakataon ba na pasukin niyo ang pag-aartista?”

 

“Kumusta naman ang lovelife niyo?”

 

“Ano nga ba yung mga tipo niyo sa isang babae?”

Mga ganyang tanung lang yung mga tinatanung nila. Sa totoo lang nakakasawa ng sagutin kaya halos lahat ng tanong si Jake o kaya si Jee ang sumasagot. Napabuntong hininga nalang ako. Boring -.-‘

Nagulat nalang ako ng may isang reporter na nagtanung sa akin. 0_0 Uh-oh! I can sense DANGER here.

“Justin, ano naman ang masasabi mo sa kumakalat na balitang babae ka?” pagtatanung nung reporter na si Mr. Chiz Moso habang naka-ngisi pa. Tss! Grabe! Bagay talaga sa kanya yung pangalan niya, pati yun nalaman niya. Hays! Sa una, syempre nanlaki yung mga mata ko kasi nagulat rin ako sa tanung niya, pero hindi lang pala ako kundi lahat ng tao na nandito sa presscon.

Walang gumalaw sa amin, yung ibang reporters naghihintay lang sa sagot, yung mga photographers naman sa akin na nakatutok yung lens ng mga camera nila.

Napalunok nalang ako at sa totoo lang, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kinakabahan ako sa mangyayari. Tinignan ko naman si Nathan at binigyan naman niya ako ng ‘sumagot-ka-lang-akong-bahala-sayo’ look.

Tinignan ko naman yung mga reporters at ngumiti. Sa oras na ito, hindi dapat ako kabahan, kailangan ko lang sumagot ng kasinungalingan at tapos na. Hays!

“Hindi ko po alam kung pano kumalat ang balitang yan pero isa lang po ang masasabi ko, hindi po yun totoo.” sagot ko ng naka-ngiti parin.

“Kung ganun, pano mo naman yun patutunayan sa amin ngayon?” sagot niya ng nakangisi uli pero yung ngisi niya ngayon eh yung tipong ‘i-know-your-secret-and-i-can-prove-it’. Kaya naman ang ginawa ko eh mas ngumiti pa ako para ipakitang kaya kong patunayan sa kanila na hindi totoo ang hinala nila, na sa kasamaang palad…totoo nga. -.-“ Phew!

Nathan’s POV

“Kung ganun, pao mo naman yun patutunayan sa amin ngayon?” pagtatanung sa kanya nung reporter na si Mr. Chiz Moso ng nakangisi pa. bwiset! Upakan ko to eh. Nagulat naman pero ako nang mas lumapad lang yung ngiti ni Hannah.

Mr. Sungit Strikes AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon