Chapter 12: BUSTED

97 5 1
                                    

Chapter 12: BUSTED

 

Last day na namin ngayon dito sa resort at katatapos lang naming mag-swimming, este ko lang pala. Haha dumiretso naman na ako sa CR, sa may room namin para makapag-shower na. pagkatapos kong magshower naglagay na ako ng bandage sa katawan ko, alam niyo na yan kung bakit. XD Simple lang naman eh, para magmukhang lalaki yung katawan ko.

 

Katatapos ko lang maglagay ng bigla namang bumukas yung pinto. Uh-oh. At dahil gulat ako sa pangyayari, hindi kaagad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

 

“OH MY GAHD!” bulalas ni Sophie habang nakaturo pa sa akin.

 

Bigla naman akong natauhan kaya dali dali kong sinuot yung t-shirt ko.

 

“You’re a girl, aren’t you?” dugtong pa niya nang makabawi siya sa pagkagulat.

 

“Huh?”

 

“Hmm kamusta kaya kung malaman ito ng media, oh wait! ALAM kaya nila Nathan to?”

 

Hindi nalang ako nagsalita dahil baka mas mapahamak pa ako.

 

“I see” saad na naman niya nang nakangisi at parang may masamang balak yung mga mata niya.

 

Kinilabutan naman ako sa ngisi niya at sa totoo lang nangangatog narin yung tuhod ko.

 

“Wait! Layas ka muna, natatae ako eh!” yun nalang ang ginawa kong palusot tsaka ko sinarado yung pinto at umupo sa may sahig.

 

Napabuntong hininga nalang ako. Pano na to? Anong gagawin ko kung sinabi niya sa lahat yung totoo? Pano na?

*TOK! TOK!*

 

“Justin ayos ka lang ba? Justin!” napabalikwas naman ako ng marinig ko yung sigaw ni Jee at malakas na pagkatok sa pinto.

 

Hindi ko namalayan na ang tagal ko narin palang humahagulgol dahil sa kaiisip kung pano ko nga haharapin kung sakaling lumabas yung katotohanan.

 

“Hik, a-ayos lang  ako!” sagot ko at dali daling tumayo at inayos ang sarili ko.

 

“Buksan mo tong pinto, ako to.” Saad niya with such authority pa kaya naman hindi na niya kailangan pang sabihin yung pangalan niya  para malaman ko kung sino siya.

 

Bumuntong hininga muna ako bago binuksan yung pinto. Ine-expect ko na pagbukas ko ng pinto sermon niya ang haharapin ko. Hays! Pero pagkabukas ko nagulat naman ako ng bigla akong niyakap ni Jake. Take note, katatapos lang nilang mag-swimming meaning he’s shirtless.

 

Dahil sa pagkakayakap niya naka-ubob tuoy yung mukha ko sa dibdib niya kaya naman todo blush tuloy ako! >//<

 

“Ayos ka lang ba talaga? Akala ko kanina baka kung ano nang masamang nangyari sayo. Wag mo na ulit akong pakabahin ng ganun ah” dahil sa sinabi niya parang nawala yung problema ko na kanina lang eh iniiyakan ko na, nawala rin lahat ng takot ko na matuklasan ng lahat na babae ako.

Mr. Sungit Strikes AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon