The Queen is Awake

39 3 8
                                    

A/N: Dahil tinatamad pa po akong mag reviw mag uUD na po muna ako.

Sisa's POV

Maagang nagising ang apat na magkakaibigan. Si Ash at si Strom ay dumiretso sa kabilang parte ng bahay upang bisitahin ang kanilang kaibigan na si Frost na hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ng Human size tube.

Mahigit isang taon na mula ng magising sila ni Shaina pero si Frost wala man lang sign kung magigising na talaga ito. Minsan nga naiisip na nilang apat na baka mamaya o bukas hindi na talaga ito gumising at iwan na sila nito hindi na nila kaya yun kasi parang nanay at kapatid na ang turing na nila kay Frost.

Balik ulit tayo kay Nikki at Strom na kasalukuyang naglalakad na papunta sa kwarto kung na saan si Frost. Pagkapasok nila sa malaking pinto ay bumungad sa kanila mga taong busy pa rin hanggang ngayon nasanay na sila dito dahil sa tagal na nila dito.

Naglakad si Ash papunta sa isang babaeng scientist para kausapin ito. "Hello? Pwede ko po ba kayong makausap?" pag tatanong niya dito pero hindi siya pinansin ng mga ito at patuloy pa rin sila sa kanilang ginagawa.

Sa isip-isip naman ni Ash ay naiinis na siya dahil hindi man lamang siya pinansin ng mga ito kahit isang sulyap lamang ay wala. Samantalang si Storm matatawa na dahil nakita niyang napahiya si Ash.

Dahil nainis na si Ash dahil sa inasta sa kaniya ng scientist ay sumigawa na siya. "ANO BA?! NAGBIBINGIHAN LANG?! NAGTATANONG AKO DITO TAPOS ANO HINDI MO MANLANG AKO PAPANSININ?! pulang-pula na si Ash dahil sa inis.


Napatingin ang babaeng scientist sa kaniya "Paumanhin Madame ipinagbabawal kasi na makipag-usap kami sa inyo, patawad ulit." sabi ng scientist sabay lakad nito paalis.

Bumalik ulit sa kanya-kanyang ginagawa ang mga tao sa loob. Habang si Ash naman ay nagtataka sa inasta at sinabi ng scientist. May pagtatanong sa kaniyang isip kung bakit bawal silang kausapin. Bakit nga ba? Napatigil siya sa pag-iisip ng makita niya na si Storm na hanggang ngayon ay nagpipigil pa rin ng tawa.

"Funny? Tss. Storm ilabas mo na yan baka mamaya kung san pa yan lumabas." sabi nito na may halong inis pa rin at inirapan niya ito.

Dahil sa napahiya si Ash ay umalis na lamang siya sa silid at bumalik sa sarili niyang kwarto upang mag tanggal ng inis. Samantalang si Strom ay hindi  na napigilan pa at napatawa na siya ng malakas dahil sa pag tawa niya ng malakas ay nakaagaw pansin siya ng mga tao at tiningnan siya ng may pagtataka.

Nang makita ni Storm na nakatingin sa kanya ang ibang tao ay napatigil siya sa pagtawa niya at tumayo ng tuwid sabay sabing "Anong tinitingin-tingin niyo?" naka taas ang isang kilay niya habang sinasabi niya ito.

Pag katapos niyang sabihin 'yun ay umalis na siya doon at dumiretso sa sarili niyang kwarto dahil naalala nga pala niya na may kailangan pa siyang tapusin.

 Sa kabilang banda kung nasan si Snow at Shaina... 

Nasa tapat ng isang malaking pintuan ang dalawa. Nagtutulakan sila kung sino sa kanilang dalawa ang kakatok sa pintuan pero dahil sa ingay na naidudulot nila ay biglang may nag bukas ng pinto at lumbas mula sa kwartong 'yun ay si Gwen.

Gulat ang dalawa dahil bakit naman nandun si Gwen at anong ginagawa niya dun? Naglalaro sa isip ng dalawa na baka may ano.. Biglang naputol sila sa kanilang mga pinag-iisip dahil biglang may nag salita mula sa likod nila.

 "Snow at Shaina anong ginagawa niyo dito? May kailangan ba kayo?" nakumpirma nila na kay Master ang boses na iyun.

"Master pwede ka ba namin makausap yung tayo lang pong tatlo nila Shaina at wala ng IBA pa po" sabi ni Snow na parang pinaparinig pa kay Gwen na ngayon ay katabi ng kanilang Master.

The KillersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon