CHAPTER 2

151 11 6
                                    

CLINT'S POV:

Napatawag kanina si Leixous, nagulat nga ako eh, Yung supladong yun, napatawag sa napakagwapong nilalang na nagngangalang Clint Ford Lee.

Oh kalma, mixed blood ako. Apat na lahi ang nananalaytay sa dugo ko. My mother is half Filipina and half Japanese habang ang tatay ko naman ay half American and half Australian pero ang Alam ko lang na lingwahe ay Filipino and English dahil dito ako sa Pilipinas lumaki.

“Hoy, lalim ng iniisip mo.” batok ko kay Anzel. Paano ba naman, nakatulala na naman. Bangag ata

“Clint, inaano ba kita huh?” inis na sabi ni Anzel sa akin.

“Hoy Buncag, Alam kong gwapo ako pero wag moko isipin, di ikaw ang gusto ko.” nakakalokong sabi ko para tumawa kaso ang loko, napabuntong hininga bigla

Naano kaya Ito?

“Hindi maaari. Magkakagulo sila.” Saad nito.

Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Anzel

“Fuadz Anzel Buncag, may sakit ka ba?” tanong ko sa kanya. Sabay hawak ko sa noo nya pero tinabig nya ito

“Clint layuan mo nga muna ako, naaalibadbaran ako sa mga ginagawa mo!” sigaw nya sakin saka biglang bumuntong hininga ulit.

Anzel, ginagawa mo?

“Bahala na. May sarili syang isip.” sabi ni Anzel

Baka nababaliw na  ito si Anzel, walang hiya.

“Ano bang nangyayari sayo Anzel?” inis na tanong ko. Pano ba naman, nag-aastang baliw.

Baliw sa'kin

Ay este baliw sa di ko naman alam kung sinong tinutukoy nya. Ang pagkakaalam ko Lang, madaming adik sa San Fernandez, pag si Leixous napikon, magkakagulo talaga.

Sa lahat samin, si Redzuan and Keanu lang ang maiiwan dahil mag-aaral kami sa  San Fernando sa  Briex University. Ang di ko lang maunawaan, kung anong ikinabubuang nitong si Anzel.

“Hayyst, nakakabobo.” He said

“Bobo ka naman talaga eh. Aray!” pagsabi ko, agad na dumapo ang kamao ni Anzel sa balikat ko. Ang sakit makasuntok, kala mo walang bukas. Buti gwapo ako

“Hindi ka nakakatulong.” inis na Saad nito

“Oh, ano na namang pinag-aawayan nyo?” tanong ni Josh sa Amin na kararating Lang

“Si Anzel nabubuang na.”  Saad ko pero isang mala blade na tingin ang binigay sakin ni Anzel. No, di mo ako matatakot. Kung si Shine o kaya si Leixous ang tumingin , natakot pa ako pero kung sila Lang, bale Wala. Suntukan pa kami ni Anzel ngayon.

“Anzel, what's with that face? What's your problem?” tanong ni Josh sa kanya

“Its private. Family problem lang.” Saad ni Anzel sa kanya kaya nag nod nalang si Josh. Wala kaming balak makisawsaw sa problema ng may problema at Isa pa, nirerespeto namin ang desisyon ni Anzel.

Alangan namang kigain ko pa sya bago magsalita.

“May pinapasabi pala si Leixous.” Sabi ni Josh kaya napalingon kami sa kanya. Wala sila Akkira dito ngayon dahil nga nasa balabac pa din sila ni Annika. Those Fujinoma Siblings

“Sa iisang bahay kayong lahat titira.”

Napangiti ako sa sinabi nya. Nice, kasama Doon si Shine.

“Kasama si kuya Nicanor.” pagsabi nya nun, biglang nawala ang ngiti sa mukha ko. What the? Paano ako magkakalapit kay Annika nyan?

Alam ko, may gusto sya kay Shine pero si Shine, Hindi nya yun alam at di nya Yun ramdam. Kaya nga bansag sa kanya ni Nica ay ‘Ang Dakilang manhid’  tssk. Ibang klase.

I'm Still Waiting For You, MiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon