CHAPTER 14

87 3 5
                                    

JIO's POV:

Today is the opening of the Esperanza Coconut factory dito sa Brooke's Point and sobrang dami ng Tao na pumunta. Si kuya Nicanor ang syang nanguna sa lahat habang si Leixous ang katuwang nya.

Grabe talaga yung magpinsan na yun. Karamihan ng nandito ay mga workers and kanina may pa motor cade sila. Literal na ang lakas ng napili nilang business dito and it is indeed useful specially for farmers.

"Jio, kanina ka pa kain ng kain." Saad ni Annika kaya tinignan ko sya

"Ang mahalaga gwapo ako." Saad ko kaya tumawa ito.

"Ahemm. May gusto atang magpasapak kay Akkira" Saad ni Shawn kaya tinitigan ko ito pero Wala lang itong pakialam

Nandito kami sa iisang table. Wala dito si Leixous at si Kuya Nicanor dahil busy pa sila sa pagkausap sa mga guest nila.

Bigla namang dumating si Christian habang nakatulala.

"Chris anong nangyari?" Tanong ni Shine kaya bumalik ang kaisipan nito

"Wala. Namalikmata lang ata ako." He said kaya natawa ako

"Kakaselpon mo Yan, Kung ano ano na nakikita mo." Saad ko pero inapakan nya ang paa ko kaya sinipa ko sya

"Excuse me, kukuha Lang ako ng tissue." Paalam ni Laurence kaya tumango kami. Ilang minuto pa ay agad na bumalik si Laurence habang palinga linga Ito. Napansin naman agad ito ni Jenna kaya agad itong nagtanong

"Rence, ayos ka lang?" Nag aalalang tanong nito

Tumango Lang si Laurence at sinabing

"Maybe like Christian, namalikmata lang din ako." He said kaya nagtaka na kami

"May multo ata dito." Saad ni Shawn

"Tssk. Ang tanda mo na Shawn naniniwala ka pa din sa multo multo na Yan." Saad ni Haida habang tinatawanan ito

"Malay mo lang naman " Saad ni Shawn pero napailing nalang kami.

"Ang ingay dito." Reklamoni Haida habang stress na sa ingay sa loob

"Kaya nga." Saad naman ni Annika bilang pagsang ayon.

"Tara labas tayo, busy pa naman si Leixous eh." Aya ni Christian

Napagpasyahan naming lumabas lahat. Total busy pa naman sila Leixous.

Ang daming tao kahit nasa labas.

Paglingon ko ay agad akong may napansin. Pinikit ko ang mata ko pero Hindi, sya talaga yun.

"Mia.." Saad ko kaya napalingon si Laurence

"Anong Sabi mo?" Tanong ni Laurence kaya napalingon ako sa kanya

Tinignan ko ulit kung andoon pa si Mia pero Wala na sya

"Namalikmata din ata ako. Nakita ko kasi si Mia." Saad ko kaya agad nanlaki ang mata nila.

"Hindi Tayo namalikmata. Si Mia Aries Kaide nga yun." Sigaw ni Christian na ikinabigla ko.

"H-uh? So si Mia din ang nakita nyo kanina?" Di makapaniwala na tanong ko kaya tumango ang mga ito.

"Si Mia nga " Saad ni Christian

"Ang mabuti pa maghiwa hiwalay tayo." Saad ni Laurence

"Shine, Jenna, Annika and Haida, bumalik kayo sa loob. Kami nang bahala sa paghahanap kay Mia." Utos Ni Laurence

"Sasama kami." Saad ni Shine pero umiling si Laurence

"Hindi na. Sige na, pumasok na kayo. And please don't tell leixous about it." Saad nito kaya walang nagawa si shine kundi sumunod sa kanya.

I'm Still Waiting For You, MiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon