CHAPTER 11

97 6 9
                                    

Anzel's POV:

Medyo malayo din ang binyahe ko kaya anong oras na ako nakarating sa bahay nila Yuri. Natuyo na rin yung damit ko na binasa ni Annika. Tssk, she loves me so much. Ramdam na ramdam ko dahil diniligan muna ako bago umalis, ibang klaseng babae.

Pagbaba ko ng motor ko ay agad kong tinanggal ang helmet ko at inilagay sa motor. Pagharap ko ay nagulat ako dahil biglaan nalang sumulpot si Iris sa harap ko.

“Ano ba? Para kang kabute na bigla bigla nalang lumalabas.” inis Saad ko sa kanya.

Tssk, napakaangas pa man ng porma nya. Pormang panlalaki. Di ko ba talaga alam kung babae ba talaga ito o hindi. Once in a blue moon lang sya magdamit ng pambabae. Kapag trip nya, nagsusuot din sya ng dress lalo na kapag may gala sa mga magandang lugar pero kapag di nya maisipan, kahit anong mahugot nya lang na damit, Yun na susuotin nya. Ibang klaseng babae.

“Ang tagal mo.” bored na bored nyang saad.

“Sino ba kasing nagsabing hintayin mo ako?” tanong ko pero tinaasan nya ako ng kilay. Here we go again, ilalabas nya na Naman ang pagkamaldita nya sa akin. Parang di nya ako kadugo.

“Marami kang dapat ikwento. Lalo na tungkol sa kanya.” she said habang seryosong nakatingin sa akin

“Tssk. Kung kinausap mo sana eh di Sana ayos na.” inis kong Saad pero sinapak ako ni Iris.

“Ano ba?” inis na Saad ko habang hawak ang ulo ko.

Argggghhh babae ba talaga ito? Parang umikot mundo ko dahil sa pagkahampas nya sakin.

“Don't you ever dare na magsabi sa kanya, sasakalin kita.” pagbabanta nito.

“Ma attitude ka talagang babae ka.” napapailing kong saad

“Ganyan ka ba talaga makipag-usap sa nakakatanda sayo huh? Anzel?” Tanong nito

Ayssst Ito na naman sya. kanina pa ako nangangalay sa pagtayo.

“Papapasukin mo ba ako o sesermonan?” tanong ko sa kanya pero tinarayan Lang ako nito bago tumalikod at naglakad papasok sa loob.

“Tssk. Pinsan ba talaga kita?” bulong ko saka pumasok sa loob.

Pagpasok ko ay agad akong dumiretso sa kusina. Ayaw kong makausap si Iris, tssk puputok lang ugat ko sa utak dahil sa kakaisip sa kanya. Tssk, sa kanilang dalawa na magkapatid, sa kanya talaga ako nakukonsumisyon liban kay Hayami na pinaghahanap pa din namin ngayon.

Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko doon ang naka topless na si Yuri.

“Oh, finally you're here Anzel.” Saad nito habang nagkakape.

“Tssk. Kelan ba magbabago yang ate mong pinaglihi sa sama ng loob?” tanong ko kaya natawa nalang ito.

“Di ko din alam. Tinadyakan ako nakaraan nyan nung inaasar ko sya.” kwento nito kaya napailing nalang ako.

“Babae ba talaga yang ate mo?" Tanong ko sa kanya kaya natawa ito

“Ewan ba. Paano kaya nagkagusto sa kanya si...”

“Sige ituloy mo, ipapaligo ko sayo yang kape mo." She said habang may matalim na titig kay Yuri.

“Tssk. Still in love with him?” nakakalokong tanong ni Yuri pero walang emosyon si Iris.

Grabe, Sabi ko na talaga di ito babae eh.

“Ayaw pag-usapan pero tinatanong sa'kin?” sarcastic Kong tanong kaya naningkit ang Mata nito

“Anzel lumayo ka sa harap ko, gusto kitang sakalin.” pagbabanta nya.

Napakasadista talaga. Kakasapak nya Lang sa akin kanina pero ngayon gusto nya na naman akong sakalin. Yan ba ang epekto ng lumaki na puro ang kasama ay lalaki?

I'm Still Waiting For You, MiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon