CHAPTER 3

125 7 3
                                    

Leixous POV:

We're here in Palawan now to enroll in our University. Lahat kami nandito na temporary kaming nandito sa nirentahan naming bahay dahil nga under construction pa ang bahay na pinapagawa ko. Yes, that was my house. Galing sa pera ko.

Katatapos lang naming magpaenroll at kalalabas lang namin ng University. Lahat kami, naka Ninja Motor. Si Shine, Annika and Jenna, pinasabay na namin kay kuya Nicanor in his car tssk, alangan isabay namin sila.

Sina Akkira, Clint and Anzel naman, may pinuntahan. Bale Ako, si Jio, Laurence, Christian and Shawn nalang ang nandito.

Papunta na Sana kami sa parking lot ng hinarang kami ng isang grupo kalalakihan ang humarang sa amin.

"Oh, mga bagong salta ba Kayo dito mga pare?" tanong nung Isa.

Medyo madami sila, isang buong gang ata ang andito tssk.

"Tumabi kayo, dadaan kami." walang buhay kong saad. Inaantok ako

"Hoy mistisong hapon, kilala mo ba kung sino ang kinakalaban mo huh?" sigaw nya na ikinainis ko

"Isang sigaw pa, magsisisi ka." Banta ni Shawn.

"Ako nga pala si Hari sa lugar na ito. Michael Alteros." mayabang nitong saan

"Ang pangit mo namang hari." Jio said dahilan para magalit ang mga kasamahan nito

"Hoy Anong karapatan mo para insultuhin si Michael huh?" duro nung Isa.

"Ang lakas ng loob nyo, lilima Lang din naman kayo." inis na sigaw nito.

Nice, ginaganahan ako. Pampagising lang

Ngumiti si Laurence

"Lilima nga kami pero bawat Isa sa amin ay may lakas na dalawampung beses ng isang tao." Saad nito

"Aba ang yabang." sigaw nung mga nasa likod ni Michael. Kung tatantyahin, mga benteng katao ang nandito.

"Dahil may ipagyayabang kami. Tumabi nga kayo, naaalibadbaran ako sa mga pagmumukha nyo lalo ka na!" Inis na Saad ni Christian sabay turo sa isang lalaki na mahaba ang buhok

"Kap, matagal na kaming di nakakapag exercise, baka naman?" Saad ni Jio

"Tssk."

"Yes pumayag." Jio said.

"Aba, mga walang takot." natatawang saad nung Michael saka ako sinuntok pero nailagan ko.

"Pre Sayang, basag na basag na ang pagmumukha mo, dagdagan na natin. Konti lang naman" saad ni Jio na kinaasar ng kalaban nya. Sinugod sya nito pero nakaiwas.

Kinuwelyuhan ito Ni Jio saka sinapak ng pagkalakas lakas ang kaharap nito.

Anzel's POV:

Hindi na bago sa akin ang Palawan dahil lingid sa kaalaman ng iba, nanirahan din ako dito ng isang taon. Babalikan ko sana sila Leixous dahil hawak ni Shawn ang susi ko ng nakita ko nanakikipagsapakan sila sa grupo nila Michael. What the?

Kitang kita ko kung paano silang makipaglaban pero si Leixous, mukhang napipilitan lang. Hindi sya ganun makipaglaban, sa mga mata nya, parang inaantok pa ang loko habang binabanatan yung sumusugod sa kanya.

1 vs 5

Yan ang laban nila.

Naunang napabagsak ni Laurence na walang kahirap hirap yung Lima nyang kalaban pero sinipa nya yung Isa habang nakahiga.

"Wake up!" sigaw nito na parang gusto pa ata ng ibang masasapak

Si Jio, iniinis ang mga kalaban nya at kapag makikita nya na naasar na ito, bago nya sinusuntok.

I'm Still Waiting For You, MiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon