Entry#2

78 1 1
                                    

Entry#2

"Krissy!" Sumigaw ako sa gitna ng corridor na parang palengke sa sobrang siksikan at ingay. Grabe talaga mga tao ngayon, wala nang disiplina sa sarili.

 "HOY KRISSY MAE AMORA!!" Sumigaw uli ako. Okay. May disiplina ako, sadyang hindi lang ako marinig ni Krissy. 

 Biglang natahimik ang lahat at napatingin sakin. Maybe because ako yung type ng person  na never gagawa ng eksena at may mahinhin akong pagmumukha. Patuloy pa din siya sa paglalakad at hinabol ko siya. 

 "Hoy!" Tumingin siya sakin na gulat, kaya pala. Naka-earphones siya. 

"Oy, hi Inari!" Ngumiti siya ng malaki at maganda. Ermeyged. She is perfect. Anubato. Baka naman maging tibo ako neto. 

 "Kanina pa kita tinatawag." Tumawa lang siya ng mahina. "Diba magkaklase tayo?"

"Ay! Oo!" At nagtatalon kami sa tuwa na parang fan girls. 

 First day of senior year namin ngayon and magkaklase kami Krissy Amora. Funny, magkaklase kami last year pero hindi kami close, ngayong nahiwalay ako sa mga kaibigan ko, naging close kami ni Krissy dahil madalas kaming nagcha-chat nung summer tungkol sa section namin.

"Ano nga pala section natin?" Tanong ko habang nagkakamot ng ulo.

"Cristoforo ata. Dun yun sa dulo."

At naglakad kami papunta sa classroom namin magka-kapit bisig. Oh diba close na kami? :D

"Oy, diba si Jacqueline Parma yon?" Sabi niya sakin sabay turo sa babaeng naka-silip sa labas ng classroom ng Cristoforo.

"Oo, nga. Tara!" 

"Oy, Teka Inari-" Sabi ni Krissy na parang naga-alanganin pero tumakbo agad ako papunta sa ex-classmate namin. Hindi din kami close noon, pero hey, wala namang masama kung kmumustahin ko diba?

"Hi Jacqueline!" Bati ko with matching wave.Nagulat ata siya kasi medyo napatalon siya.

"Uy..." Bati niya na parang hindi siya sigurado. "...sino ka?"

freeze.

Seryoso ka ba?! "Seryoso ka ba?!" Oops. Nasabi ko pala ng malakas. 

"Inari. Inari Chua, Jacqueline. Classmates tayo last year!" Explain ko with matching hand gestures.

"Yeah. I'm just kidding." Tawa niya ng mahina. Weh? Totoo ba 'to? 

First time namin mag-usap tas joke agad ang bungad niya sakin? Wow. Di akalaing ganito pala siya. Most people see her as the serious type at siya mismo lumalayo samin. So I didn't really expect this. Well, you can't really judge a book by its cover, most people see me as the happy typem perfect life and smiley face.

"So, anong section mo?" Tanong ko na malaki ang ngiti. 

"Cristoforo." Sagot niya na serious type na. Woah. Two sides. "Ikaw ba?"

"CRISTOFORO DIN!!! WAAHEEY!!!" Happy dance plz. 

"It's not Cristoforo anymore, pinalitan na nila. Constance na daw tayo."

"Constance?? Why? 'Bat daw?"

Hindi niya ako sinagot. "Bakit ayaw lumapit ng friend mo?" Sabi niya na tinutukoy si Krissy. Shit! Nalimutan kong andito nga pala si Krissy! WAH! Na-OP tuloy siya! Eh 'bat kasi ayaw niya lumapit eh?

"Oy Krissy!" Niyaya ko si Krissy na mahiyaing lumapit samin. "Jacqeu, hindi mo ba siya naalala? Classmate din natin siya last year lang enebe!"

"Jacque?" Sabi niya na medyo namula.

"Hi." Mahinang bati ni Krissy.

"Ano ba guys. Para namang hindi kayo magkakilala!" Sabi ko sabay palo sa likod ni Krissy na nakayuko.

Hindi siya sumagot at binuksan na ang back door ng classroom. Okay awkward, lahat sila nakatingin samin.

"Ayaw niyo ba?" Tanong ni Jacqueline na half serious half joking tinutukoy ang pagpasok sa classroom. 

 Hindi kami sumagot at pareho kami ni Krissy na nahihiya pumasok so I gesutred for her to go first. She snorted very unlady-like and walked in first at naupo sa far corner ng classroom sa tabi ng bintana. Dali dali kaming sumunod ni Krissy. Naupo ako sa kanan niya at Krissy sa kanan ko. Napatingin ako sa harap ko dahil naramdaman kong nakatitig sakin ang taong nakaupo dun. Pagtingin ko...

"RAELENE!!!" Napatayo ako at niyakap siya.

"Kala ko di ka titingin." Sabi niya at ngumiti ng malaki. Cutie as always talaga 'tong si Rae.

"Hindi mo sinabi sakin na Constance ka din palaaa!"

"Di ka nagtanong eh. ;)"

 Dear diary,

   Aaminin ko I'm so nervous about senior high. Luckily, andito ang friend kong si Raelene Abe since first year and dalawang classmate ko nung sophomore na sina Krissy at Jacqueline, though di ako sure kung magiging close kami nung latter. I'm so pumped! I hope this year would be different. PLEASE lang, Lord! 

 "Good morning class!" Pumasok na ang bago naming adviser.

"Gooooooood mooooooorning siiiiiir--?"

Teka, he seems familiar.... oh my glob!

Siya si-

"My name is sir. Teaf, class."

"---sir. Teaf......?"

yung customer ko dati... holy diddy bucket of shit.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

"ANO BA TALAGA GUSTO MONG GAWIN DIYAN SA BUHAY MO, HA RICHARD?!"

"BAKIT KA NANAMAN BA NAGINGIELAM?!"

"MAY KARAPATAN AKO DAHIL KAPATID MO AKO!!"

"Welcome back Miss Chua." Mahinang bati sakin ng aming katulong.

 Nasa labas palang ako ng pinto, rinig na rinig ko na ang rambulan nila kuya. Jusme. Eto nanaman tayo. Sanay na sanay na ako sa ganitong klaseng salubong. Nakakasawa na actually.Nilagpasan ko sila at dumretso na sa kwarto ko. Nasilayan ko nga silang  mukhang magpapatayan na, kundi lang inawat ni nanny, ang pinakamatanda at matagal naming katulong. Pagkadating ko ay ni-lock ko agad ang pinto at humiga sa aking kama. Lahat ng saya at ngiti saking mukha ay biglang naglaho. Ganito naman parati. Nakakapagod na. Pero bat ganun, hindi ko maalis ang isipan ko sa bago naming adviser, si Sir. Teaf. 

There's something odd about him. And why do I feel like something's about to happen?

A/N: Heyhihelloyo!

 Hohoho! Haller guise, nakapag -UD na din, wahey! :D Though di ako sure kung pano ko patatakbuhin tong story na to. Haha wish me luck na lunngggs. 

Babushhh. :D

Mafia DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon