Entry#3

71 0 0
                                    

Entry#3

Naglalakad ako ngayon papuntang classroom, hindi ko alam kung bakit pero parang excited ako? Haha! Weird feeling naman! Second day na namin ngayon and hopefully magkaron naman ako ng mga kaibigan sa araw na 'to. Buti nalang andiyan si Inari!

Pagdating ko ng classroom nakita ko ang bago kong seatmate na si Raelene Abe. Pinagpalit-palit kasi kami ng seating arrangment, si sir nag-ayos depende sa trip niya.

"Goodmorning." Bati ko sa kanya ng mahina.

"Hello." Sabi niya sakin ng mas mahina. "Nagawa mo yung homework?"

"Ha?" Tanong ko na nakangiti. Di ko kasi narinig ang hina ng boses.

"Nagawa mo yung homework??"

"Ano???" Lumapit ako. Nabibingi kasi ako sa kahinaan ng boses niya.

"NAGAWA MO BA YUNG HOMEWORK!?! PUTEK!!" Sabi niya nang malakas at napalayo ako; gulat. Nagmumura at may ilalakas pala ang boses nito? (O.O) Buti nalang wala pang masyadong tao.

"Sorry, di ko sinasadya. Bingi mo kasi eh." Sabay tawa siya.

"Ays lang. Lakas ng boses natin eh." Sabi ko at nagtawanan kami.

"Heeeeeeeeeey guuuuuuysss! Mooooorninnnnnngggggg~!" Bati ni kuya na di ko pa kilala.

"Krissy, Aaron. Aaron, Krissy." Pakilala ni Raelene.

"Hi." Sabay naming sabi.

"Uy Rae, si Ralph..." Bumulong si Aaron na tinuturo si kuyang mukhan emo.

Biglang nalungkot ang mukha ni Raelene at tumingin sakin. "Uy wait lang ha? Yung friend ko kasi...Gusto mo sama ka, papakilala kita."

"Ay hindi na. Sa susunod nalang, mukha kasing wala talaga siya sa mood makipag-usap sa iba." Sagot ko na ine-examine si...Ralph ba? "Sige, punta na kayo dun, mukhang kailangan niya talaga kayo. Isa pa," Sabi ko na nakatingin sa likod ni Aaron. "Andito na si Inari."

"Osige." Paalam nila pareho na parang malayo ang pupuntahan.

"Goodluck! And nice to meet you Aaron! (^^)"

Habang pinapanood ko silang makapunta sa kabilang dulo ng classroom, nasulyapan ko si Inari sa gilid ng mata ko na dahan-dahang lumalapit sa likod ko. Anong gagawin ko, magkukunwari ba akong nagulat o hahayaan ko siyang mapahiya?

"WOOII!!!" Sigaw niya habang tinulak ako ng mahina sa likod.

Pahiya it is.

"ANUBAYAN!" Reklamo niya. "ALAM KO NAMANG NAKITA MO KO PERO SANA NAKISAKAY KA NALANG KATULAD NG ISANG MABUTING KAIBIGAN!!!!" Hand gestures.

"Hahaha! Sorry! Nakakatawa kasi itsura mo pag napahiya eh! Hahaha!"

"Hmph." Nag-cross arms siya at nag-pout. "Si Jacque?"

"Wala pa. Magta-time na. Close na kayo?" Tanong ko with a cheeky grin.

"Masama bang bigyan siya ng nickname? (-.-)" Sagot ni Inari. "Tsaka, hey, gusto ko siya maging kaibigan noh."

*DINGDONGDINGDONGGG!*

Ay, ayan bell na at wala pa din ang homeroom teacher namin na si Sir. Teaf. Onga pala speaking of, namumukaan ko siya, di ko lang maalala kung san ko ba siya nakita. Ay, ayoko mag-isip nakaka-stress at baka magka-wrinkles lang ako! =))

Pumunta na kami ni Inari sa upuan namin. Nasa fourth row ako at last row naman si Inari na nasa likod ko lang. Sa kaliwa ko si ateng hindi ko pa alam ang pangalan at sa kaliwa naman ni ate ay si Jacqueline na wala pa na katabi ang bintana.

Mafia DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon