Prince's POV
Nabalitaan namin na naligaw sila Acacia at Tyler. Grabeng alala naman ni Natalie sakanilang dalawa.
"Hala! Prince! Baka kunin sila ng mga terorista dun! Baka ma-kidnap sila. Hala! Hanapin na natin sila!"
Kahit kelan talaga 'tong babaeng 'to. Nandito na kami sa tent ha? Hanggang ngayon hindi matigil ang bunganga nito.
"ANO BA NATALIE?! HINDI KA BA TATAHIMIK O LALAGYAN NAMIN NG DUCT TAPE YANG BUNGANGA MO?!" Sigaw ni Joanna.
"EH BAKIT BA?! HINDI KA BA NAGAALALA SA KAIBIGAN NATIN?! BAKA KUNG ANO MANGYARI SAKANILA!" sigaw din niya.
"PWEDE BANG MAGSILABASAN NALANG KAYO NG MGA TENT NINYO AT MAGUSAP NG MAHINA NANG HINDI KAYO NAKAKAISTORBO NG TULOG NG MAY TULOG!" Sumali na si Chelsea.
Nagsilabasan lahat ng girls. Kaming mga lalaki. Nanonood lang sakanila. Ang saya nila panoorin. Nagkakanda-leche-leche dahil naligaw lang yung dalawa. Hahaha.
"Kayo naman kasing dalawa eh! Ang sarap-sarap na ng tulog namin. Magiingay kayong dalawa." Ashley.
"FYI, Si Natalie ang nauna. Nadamay lang ako." Joanna.
"Eh kasi naman! Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sakanilang dalawa." Natalie.
"Pabayaan na muna naten. Okay? 2am na! HALF OF THE WORLD'S ASLEEP NATALIE. MAAWA KA!" Megan.
"Fine! Basta kayo bahala magluto mamayang umaga!"
Baliw talaga 'tong mga 'to. Hahaha kaya naman nila magluto. Umaasa kay Natalie. Kawawa ang asawa ko! -_-
Pumasok na ulit kami sa mga tent namin. Tahimik na ang paligid. Nakita ko na si Natalie, natutulog. Pinagmasdan ko muna ito sabay nakatulog na din.
/
/
/
Bigla akong nagising, naramdaman ko si Natalie nasa ibabaw ko.
"Hi Prince. Did I disturb your sleep? I just can't help it. I want you." Bigla niya akong hinalikan.
Hinalikan ko rin siya.
"Prince. I love you."
/
/
/
Nagising ako! TAKTE! PANAGINIP LANG PALA! -_- Okay na eh! Ayun na eh! -_-
Biglang gumalaw si Nat.
"Oh, Prince. Bakit gising ka pa?" tanong niya.
"Nanaginip lang ako."
"Sus. Panaginip lang pala. Matulog ka na ulit. Maaga pa tayo mamaya."
"Okay. I love you Natalie."
"I love you too Prince."
Hinalikan ko siya sa noo sabay natulog na ulit.
/
/
/
"Good Morning sleepyhead!! Bumangon ka na." Natalie
"Opo. 5 minutes."
"Hinde. Ngayon na. Hindi pinaghihintay ang pagkain."
Parang nanay naman 'tong babaeng 'to.
"Eh? Please?" Ako.
"Bahala ka jan. Wala kang pagkain. Uubusin na nila oh."
Bigla akong bumangon.
"Hindi naman pwede yun. Girlfriend ko gumawa tapos hindi ako makakakain? Aba, mali yon."
"Kaya nga halikana at kumain na tayo."
"K."
"WAG NA WAG MO 'KONG KINKE-K. SINISIRA MO UMAGA KO EH! GUSTO MO PANG MATULOG? KFINE. MATULOG KA HANGGANG SA GUSTO MO! WAG NA WAG KANG KAKAIN! BAHALA KA JAN!" Sigaw niya sabay labas nang tent.
Nag-k lang ako. Nagalit na agad. Psh. Sabi niya matulog eh. Edi matulog.
Joanna's POV
"Nakakainis si Prince sobra! Nakuha niya akong sabihan ng 'k' kasi pinapabangon ko lang siya para kumain." Sabi ni Natalie.
"Hay nako, malay mo naman kasi pagod kaya gusto pang matulog." Logan
"Nako, ang sabihin mo. Sadyang ayaw niya lang talagang kumain." Ako.
Nega ko na ba? Kasi, sino ba naman hindi maiinis sa ginawa niya? Ang aga-aga sasagutin ka ng 'k' para lang kumain. -.- Nakakaimbyerna kaya yung ganon. Lalo na't kung meron yung babae.
"Ano ba Joanna? Hindi mo ba tutulungan magkaayos yung dalawa? Pinapalala o lang eh." Logan.
"Kayong mga lalaki kasi, hindi nyo kami naiintindihan. Dapat alam nyo na nakakasora ng mood ang isang babae ang pagsagot nyo ng 'k', lalo na't kung meron kaming mga babae."
"Eh sana naman iniintindi nyo rin kami. Hirap na hirap kaya kami kakaintindi sainyo."
"Aba, kung mahal nyo kami. Iintindihin nyo kami kahit sobrang hirapnamin intindihin."
"Oh! Ano ba?! Tama na nga yan! Ang aga aga. Nag-gegera kayo. Ano? Si Prince at Natalie nagaaway na. Pati ba naman kayo? Ano? Si Chelsea at Justin nalang ang matatag?" Singit ni Megan.
"Kami pa? Eh sa lahat ng bagay nagkakasundo kami eh." Chelsea.
"Weh?" Sabay na sabi ni Blaine at Andrew.
Nakatingin lang sa taas si Justin.
"Bakit Justin? Mali ba 'ko?" Tanong ni Chelsea.
"Ah... Eh... Hinde." Justin.
"Nako. Si Justin. Halatang under." Asar ni Andrew.
"HAHAHAHAHAHA. UNDER!" sabi ni Blaine.
"Eh kayo? Single!" Justin
"Okay nang single. Atleast di namin iniintindi kung galit samin mga babae." Depensa ni Blaine.
"Nako! Bahala na nga kayo jan! Ang ingay nyo! Imbis na hinahanap na natin sila Acacia. Andito tayo nagaaway-away." Ashley.
Nanahimik na kami. Pumunta kami ni Natalie sa kabilang part nung field para magusap. Makaiwas lang sa gulo. Ramdam namin na nakasunod si Logan samin.
"Logan! Kung hindi mo 'ko binigyan ng space. Hindi ako sasabay sayo pauwi!" Ako.
"Binabantayan ko lang kayo to make sure you're safe."
"Don't worry too much. Kitang kita mo naman kami kapag nasa campsite ka. Kaya dun ka."
"Okay. I love you."
"Ge. Go."
Nagusap lang kami ni Natalie. Nang may nakita kaming isang babae tsaka lalaki na magkasama naglalakad. Medyo nilapitan namin namukhaan namin sila........
Si Acacia at Tyler.
A/N:
Woooot! Sobrang tagal ko hindi nakapag-update. Sorry. I was busy. Kahit summer I'm busy. Hehe. Nyways... Hope you enjoy this. Keep reading and voting.-Paula.
BINABASA MO ANG
Love less
RomanceHere's a tip: ●Never fall in love to much. Cause you if you do, You will be hurt to much. ●Never promise a forever. Cause once your partner found another one. Your 'forever' is useless.