Joanna's POV
"Ginagawa ko lang naman 'to para malaman ko kung sino talaga totoo kong mahal eh."
Paulit-ulit kong naririnig yan sa isip ko.
Hindi ko akalain na magagawa niya sakin yun. Grabe, ang sakit pala no? Bakit kaya hindi ko nakita yon. Bakit kaya hindi ko na halata na niloloko na niya pala ako. Bakit niya nagawa sakin 'to.
Logan naman eh. Hindi mo alam kung gaano kita kamahal. Tapos gagawin mo sakin yun. Bakit? Ano bang ginawa 'kong mali? Nagkulang ba 'ko? Humigit ba siya sakin? May ibinigay ba siya kaya nagawa mo sakin yun?
Umiyak lang ako ng umiyak nung narinig ko.
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa mapagod at kung saan ako dinala ng paa ko. Alam ko hinahanap na nila ako. I don't care. I want to be alone. Tinapon ko cellphone ko para wala akong mareceive na tawag or text na kahit na sino. I want to be alone.
Umiyak lang ako ng umiyak. Nang biglang umulan.
Logan's POV
"Hoy! Ano? Natauhan ka na ba?! Nakita mo kung anong ginawa mo?! Sa kagaguhan mo, nawawala ang bestfriend ko. Ano masasabi mo? Walang hiya ka! Hindi ko alam kung paano ko hahanapin ang bestfriend ko!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Natalie
Sa totoo lang, naguguluhan na 'ko kasi sa kagagawan ko. Ngayon nawawala ang girlfriend ko.
"Ano?! Mananahimik ka nalang jan?! Hindi ba natin siya hahanapin?! Ang lakas-lakas ng ulan! Hindi natin alam kung nasaan siya!" Megan.
"Tara na! Nagaaway-away tayo imbis na hinahanap na natin eh." Prince
"Alam mo Logan? Wag ka na sumama. Masyado mong sinaktan ang bestfriend ko. Mad makakabuti na wag na kayo magkita." Natalie
"Ano? Bakit? Girlfriend ko padin siya."
"Wow! Pangilan? Pangatlo? Pang-apat? Ibang klase ka din no? May girlfriend ka nga nakuha mo pa siyang lokohin! Anong problema ko ba kay Joanna? Nakukulangan ka?"
"Hin-"
"You know what? I don't have time for this. Kailangan kong hanapin yung bestfriend ko na SINAKTAN mo."
Umalis na sila. Pero nakasunod ako.
"Joanna!" Sigaw nila.
Triny ko siyang tawagan. Cannot be reached. Joanna naman, wag mo 'ko takutin ng ganyan. Magpakita ka na oh.
Medyo matagal pa ng may nakita silang babae naka higa.
Biglang tumakbo si Natalie sumunod yung girls.
"JOANNA!!" Natalie.
Ano?!
Tumakbo na 'ko dun.
Nakatambad sakin yung walang malay na katawan ni Joanna.
"Joanna! Wag mo 'kong iwan!" Sabi ni Matalie habang umiiyak.
"Tumawag kayo ng tulong!" Ako.
Tumawag na si Prince.
"Nakita mo?! Nakita mo kung anong ginawa mo?!" Sigaw ni Natalie sakin habang umiiyak.
Wala akong masabi. Inaamin ko na kasalanan ko lahat.
Umiyak lang ng umiyak si Natalie. Habang yung ibang girls hinihimas lang yung likod nya. Yung iba tinatry ginsingin si Joanna. Namg biglang dumating yung ambulance.
Sinakay ma sa ambulance si Joanna. Kasama si Natalie, Acacia at Ashley. Hindi na 'ko sumama kasi alam kong hindi ako papayagan ni Natalie.
"Ano Logan? Kilala mo na kung sino mahal mo?" Blaine.
BINABASA MO ANG
Love less
RomanceHere's a tip: ●Never fall in love to much. Cause you if you do, You will be hurt to much. ●Never promise a forever. Cause once your partner found another one. Your 'forever' is useless.