Chapter 18- Safe & Sound

20 0 0
                                    


Natalie's POV

"Waaah! Acacia! Tyler! Anong nangyari sainyo? Okay lang ba kayo? Hindi ba kayo naaksidente?" Sigaw ni Joanna habang tumatakbo papalapit sa dalawa.

Nakakatawa tignan yung babaeng yun. Kala mo anak niya yung dalawa. Daig pa niya yung mismong nanay nung dalawa. Ay guys, alam nyo ba na sobrang hilig ng babaeng yan sa mga babies? Hahahaha. Na halos lahat ng baby na makita niya, gusto na niyang iuwi. HAHAHAHA. Ewan ko kung bakit ganon yun. May baby brother naman si Logan. Na sobrang lambing kay Joanna. Eto namang so Joanna, GUSTONG GUSTO. -.-

"Hoy Natalie! Hindi mo man lang ba kakamustahin yung dalawa?" Joanna.

"Nako, hindi na kailangan mukhang natanong mo na kung kamusta sila eh."

"Oo nga Joanna. Hahaha. Nakakatawa ka. Daig mo pa nanay namin eh." Tyler.

Sabi sainyo eh! Hahaha.

"Eh. Masama ba?"

"Hindi naman. Wag mo lang sobrahan." Acacia.

Kinwentuhan nila kami about dun sa isang gabi nang biglang mau sumisigaw na lalaki habang tumatakbo.

"HOOOOY! BWISET KA TYLER! ANONG PLANO MO AT NAWALA KAYO?"

Medyo hindi pa namin namumukhaan. Nakakagulag diba? Hindi namin mamukaan kung sino yung tumatakbong yun. Hahahaha

"Ano ka ba Prince? Hindi ko naman sinasadyang iligaw kami. Ang bilis nyo kaya!" Sigaw din ni Tyler

Ay. Si K pala yon. Whatever!

"Ugh. Bakit siya pa?" Tanong ko sa sarili ko.

"Bakit Nat? May away kayo?" Acacia

"Nako Acacia. Wag mo nang alamin. Maiinis lang yan." Joanna.

Thanks. You're always there when I need you the most.

Dumating na siya. Bigla siyang tumingin sakin. Umiwas naman ako ng tingin.

"Jo. Una na 'ko sa campsite ha? Hintayin kita don."

"Okay. Ingat ka papunta dun."

"Ingat." Acacia at Tyler

"Ano? Sabay talaga? Meant to be?"

"Pabayaan mo na nga kami. Panira ng get up." Tyler

"Wow. Panira na 'ko ng get up ngayon. Psh. Fine."

Iniwan ko na sila. Habang naglalakad ako palayo. Ramdam ko na nakatitig sakin si Prince. Bahala ka jan, kine-k mo 'ko eh. Manigas ka jan. :p

Nung nasa campsite na 'ko. Narinig ko naguusap sila Logan, Andrew, Blaine. Yung iba, ewan ko kung nasaan.

"Alam mo Logan, hindi mo dapat ginaganon si Joanna eh." Andrew

Huh? Bakit? Anong ginagawa nito sakanya?

"Eh ano bang magagawa ko? Sa pogi kong 'to? Hindi ko ba magagawa yun?" Logan

Feeling ko alam ko na 'ting pinaguusapan nila eh.

"Eh gago ka pala eh! Walang ginagawa sayo yung babae, niloloko mo. Ano bang nakain mo?" Blaine

Omg. Gago nga.

"Alam nyo guys. Kaya nga ginawa ang mga babae para may mga makasama tayong mga lalaki dito sa mundong ito para naging masaya tayo."

"Bakit Logan? Ilang babae ba ang kailangan mo para mapasaya ka?" Tanong ni Blaine

"Oo nga. Ilan nga ba?" Andrew

"Ginagawa ko lang naman 'to para malaman ko kung sino totoo kong mahal eh."

"Langya ka! Para malaman? Gago!" Blaine

"Malalaman mo din kung bakit ko 'to ginagawa."

Ayoko nang pumunta dun matapos ng mga narinig ko. Gago ka Logan. Walang ginagawa sayong masama si Joanna. Ginagago mo siya! Kapag yan nalaman niya. MAGHUKAY KA NA NG LIBINGAN MO!

Babalik sana ako kung nasaan sila Joanna pero nung pagkatalikod ko..

Si........

"Joanna......"

Bigla siyang tumakbo nang umiiyak.

A/N:
Sorry short. Next chapter na. Hehehehe. ;) Keep reading and voting. ;)

Love lessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon